• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-13 21:33:44    
Isang pamilyang dayuhan na nagsasagawa ng negosyo sa kanlurang Tsina

CRI
Noong Marso ng taong ito, ang asawa ni Braun at 2 bata nila ay dumating ng Qinghai. Sa pagsisimula, hindi nahirati si Jannifer Braun, asawa ng Braun, sa pamumuhay sa talampas ng Qinghai. Ngunit, sa kasalukuyan, minamahal niya ang Qinghai.

Ilang buwan na ang nakaraan, nagsimula siya sa pag-aaral ng wikang Tsino sa Qinghai University for Nationalities, at sa kasalukuyan, nakikipagpalitan siya sa mamamahayag sa pamamamagitan ng wikang Tsino. Sinabi niyang, dahil walang hadlang sa wika, nakipagkaibigan siya sa mga lokal na mamamayan sa Qinghai. Sinabi niyang:

"Lagi kami at mga bata ko ang lumalabas para kaibiganin ang mga lokal na mammamayan. Sa weekend, pinupuntahan namin ang pamiliya ng aming kaibigan. Ang panganay ko ay 6 na taong gulang, mayroon siyang sariling mga kalarong bata dito."

Sa panahon ng pag-i-istay sa Qinghai, kinaibig ng pamilya ni Braun ang ilang dayuhan mula sa ibayong dagat, si Joshua Lotz, isang estudyente mula sa E.U. ay isa sa kanila. Nitong 5 taong nakalipas, nananaliksik si Joshua Lotz sa gamot na Tibetano sa Qinghai, at nakaranas siyang mismo ng mabilis at malaking pagbabago ng Qinghai.

"Malaki ang ipinagbabago sa nakaraang 5 taon sa Qinghai sa arhitektura man o sa ibang aspekto. At available ang network at CATV."

Sa paglipas ng mga araw, dumarami ang mga dayuhan ang pumarito para paglalakbay, pag-aaral at pagnenegosyo. Kaya at ano ang dahilan? Si Quan Sheng'ao, opisyal ng Qinghai University for Nationalities ang nagbigay ng tamang rason.

"Ang pagpapaunlad sa kanluran ay umaakit ng mga kaibigang dayuhan, bukod dito, ang Qinghai ay may espesyal na kulturang panlahi."