• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-17 20:36:35    
Disyembre ika-10 hanggang ika-16

CRI
Ipinahayag noong Martes ni tagapagsalita Qin Gang ng ministring panlabas ng Tsina na may di-mapapabulaanang soberaniya ang kanyang bansa sa mga isla sa South China Sea at rehiyong pandagat na malapit sa mga ito. Winika ito ni Qin kaugnay ng mga demonstrasyong nakatuon sa Tsina na naganap kamakalawa sa Hanoi at Ho Chi Minh City ng Biyetnam. Sinabi pa niyang umaasa ang panig Tsino na, sa pamamagitan ng pagsisikap nila ng panig Biyetnames, maayos na malulutas ang hidwaan ng dalawang bansa sa South China Sea.

Isiniwalat noong Martes ni Huang Xianyao, Pangalawang Ministro ng Komunikasyon ng Tsina na sa aksyon ng pagligtas ng mga mangingisdang Tsino at dayuhan sa Xisha at Nansha Islands noong katapusan ng nagdaang buwan, nailigtas ang 52 bapor at 1022 mangingisdang Tsino at dayuhan na kinabibilangan ng 7 mangingisda ng Biyetnam at 29 na mangingisdang Pilipino.

Idinaos noong Huwebes sa Kunming, punong lunsod ng Lalawigang Yunnan sa timog kanlurang Tsina ang symposium bilang paggunita sa ika-32 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Thailand na nilahukan ng mahigit 300 personaheng kinabibilangan ng mga opisyal mula sa ministring panlabas ng Thailand. Ipinahayag ng mga kalahok na kinatawan na gumaganap ang Yunnan ng mahalagang papel sa pagpapasulong ng kooperasyong Sino-Thai. Ayon sa salaysay, nitong 10 buwang nakalipas, umabot sa mahigit 170 milyong dolyares ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Yunnan at Thailand na lumaki nang mahigit 50% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon. Sa aspekto naman ng pagpapalitang kultural, itinatag ng mga pamantasan ng dalawang bansa ang pangmatagalang kooperasyon ng pagtutulungan at pagpapalitan.

       

Binuksan noong Huwebes sa Kuala Lumpur ang eksbisyon ng mga iniluluwas at inaangkat na panindang Tsino at perya sa pamumuhunan ng Tsina sa 2007 na nilahukan ng halos 200 bahay-kalakal mula sa Tsina, Malaysia, Singapore, Indonesya, Thailand at iba pang bansa. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas ang pangalawang ministro ng komersyo ng Tsina at pangalawang ministro ng kalakalan at industriya ng Malaysia.

Ayon sa ulat noong Huwebes ng Singapore Exchange Limited o SGX, naaprobahan na ng China Securities Regulatory Commission ang pagtatatag nito ng isang sangay sa Beijing at ang naturang sangay ay tinatayang isaoperasyon sa unang kuwarter ng susunod na taon. Napag-alamang hanggang sa kasalukuyan, naglist na sa SGX ang 132 kompanya mula sa mainland China at ang karamihan sa mga ito ay mga pribadong bahay-kalakal.