Stephanie Lim ng C. M. Recto, Sta. Cruz, Manila: Kuya Ramon, Maligayang Pasko in advance. Mabibili na ngayon sa Carriedo ang mga hinahanap kong Chinese products na tulad ng 999 ointment na mahusay sa mga sakit sa balat, Dabao skin lotion na pampakinis ng balat, Jazmine soap na pampabango ng katawan at Placenta anti-aging soap. Maaga itong pamasko sa akin ng China. Binabati ko ang inyong radio station sa pagpo-promote ng trade sa pagitan ng Philippines at China.
Lilibeth ng Polytechnic University of the Philippines: Pasko man o hindi, lagi kong pini-patronize ang Chinese products dahil sa kamurahan at kapakinabangan. Ang made in China ang pinaka-attractive ngayong Kapaskuhan kasi ang presyo ayabot-kaya ng medium-income earners. Hindi ko masisisi ang mga tao kung dumagsa sa mga bilihan ng made-in-China products.
|