• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-18 21:56:14    
Si Xing Yiqian at kaniyang pangarap sa Ming Renshan Birds Natural Reserve Area

CRI
Noong 1997, pormal na naaprobahan lng pamahalaan ng Wen Chang ang pagtatatag ng Ming Renshan Birds Natural Reserve Area. Mabisa naman ang propaganda ni Xing hinggil sa pangangalaga sa ibon at kapaligiran sa hanay ng mga taganayon, tumataas nang tumataas ang kamalayan ng mga tao sa lokalidad sa pangangalaga sa mga ibon. Ipagpapatuloy ni Xing na:

"Dati, nang may bagyo, pumitas agad ang mga taganayon ng niyog at sanga. Ngayon, tumakbo agad sila sa gubat at naghanap ng mga ibong nahulog sa puno, nagdala sa bahay at pinakanin sila."

Hindi lamang kinumpirma ang aksyon ni Xing ng dumarami nang dumaraming taganayon, kundi pinapurihan siya ng pamahalaan at lipunan. Ginawaran siya ng pamahalaan ng maraming karangalan. Sinabi ni Zhou Wenzhang, puno ng Publicity Department ng Hainan, na lubos na kinakatigan ng pamahalaan ang aksyon ni Xing at nagkaloob hangga't makakaya sa kaniya ng paboritong tulong sa pinansya at trabahador. Sinabi niyang:

"Nagbigay si Xing Yiqian ng ambag hindi lamang sa lupang tinubuan niya, kundi sa pagtatatag ng nayong ekolohikal ng Hainan. Kinakatigan siya namin sa pondo, at tumulong kami sa kanya sa pangangalaga sa lawang ito."

Paulit-ulit na sinabi ni Xing na minamahal niya ang kulay-berde, lawa ng tagak at lupang tinubuan niya. Ang pinakamalaking hangarin niya ay isalin ang magandang lawa ng tagak sa hene-henerasyon. Ipaglalaban niya ang kanyang pangarap.