|
Itinuturing ng mga manlalakbay Tsino na isa sa 17 pinakamagandang matanawing lugar ng Tsina, ang Yuanyang ay nasa kalooblooban ng Ailao Mountains sa Honghe at Yi Autonomus Prefecture, sa katimugan ng Lalawigang Yunnan. Ang prepektura ay may lawak na mahigit isang milyong mung hinagdang bukirin, ang 300,000 munong hapusuren nito ay nasa Yuanyang.

Ang Yuanyang County ay kilala sa daigdig dahil sa mga farming terraces na itinayo ng minoryang Lahing Hani nito na papaakyat nang paliku-liko sa hanay ng mga dalisdis na may taas na mula 144 hanggang 2,000 metro. Gaya ng sinabi ng mga mamamayang Hani, nakapagtayo sila at nakapagpapatubig ng mga terraces sa alinmang bundok, gaano man ito kataas.

Buong pagmamalaking sinabi ng mga opisyal mula sa county tourism bureau na maraming mananaliksik at bisita mula sa ibang bansa ang pumaparito upang makita ang mga terraces. May pagpuring sinabi ng isang opisyal na "Hindi makapaniwala ang karamihan sa mga turista na nilinang ng mga mamamayang Hani ang mga terraces sa pamamagitan lamang ng mga simpleng asarol. Itinuturing nila ang mga iyon na kasing dingal ng Great Wall at ng Pyramids".

Ang mga terraces ay may 1,300 taong kasaysayan, at sa panahong iyon, lubos na pinabuti ng mga magsasakang Hani ang rice terrace-oriented farming and seeding ecosystem. Sa loob ng nakalipas na 50 taon, nakapagprodyus ang mga terraces ng 100 hanggang 150 kilo, kung minsan ay hanggang 300 kilo ng bigas bawat mu (sang-anim ng isang akre), na isang output na maikukumpara ng sa alinmang kapatagang lugar.

Ang di-kapanipaniwala, ang Yuanyang, na may matataas na bundok at matatarik na talampas at kagubatan, ay isang malaking kamalig sa lalawigang Yunnan sa katunayan na umaasa sa langit noong mga taong 1960s at 1970s upang maibsan ang taggutom sa inland areas.
|