• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-20 09:21:01    
May katangiang Etnikong Hani

CRI

Ang matingkad na asul na kasuotan at pilak na alahas na suot ng mga kababaihang Hani ay lumikha ng mas simple at mas eleganteng impresyon kaysa sa kasuotan ng maraming iba pang enthnic minority sa katimugang Yunnan. Mahilig ang mga dalagang Hani sa pag-wiwindow-shopping sa mga silversmith's shop sa bayan.

Pumarito sa Yuanyang ang silversmith mula sa lalawigang Sichuan mahigit 10 taon na ang nakaraan, at ang negosyo sa maliit na baying ito ay yumabong na sapat na maipadala ang dalawang anak niya sa paaralan sa Shanghai. Sinabi niya na para sa mga mamamayang Hani, ang mga pilak na alahas ay pampalamuti lamang, pero para sa mga mamamayang Hani, ito'y may maraming kahulugang pangkultura.

Dahil sa ang Silk Road at Tea and Horse Trails ay dumadaan sa katimugan ng Yunnan, may himigit kumulang sa 19 na silversmith ang nanirahan sa lalawigan noong panahon ng paghahari ni Kangxi ng Qing Dynasty at nakatulong sa pagiging tanyag ng lalawigan dahil sa mga silver goods nito. Ang katimugan ng Yunnan ay dating maunlad, na naging sentro ng kalakalan ng mga metallic minerals, kahoy, biological resources na kailangan ng inland.

Noong panahon ng Ming at Qing Dynasties (1368-1911) tinutunaw na ang mga silver coin. Ang extender period ng kasapatan-sa-sarili at mababang sirkulasyon ng mga paninda ay pumilit sa mga mamamayang Hani na gawing mga alahas ang mga silver coin na isinusuot bilang indikasyon ng antas ng yaman ng pamilya. Tumatalima pa rin ang mga mamamayang Hani sa tradisyong ito at naging sanhi ng pagiging abala ng mga silversmith. May nag-abot sa kanya ng ilampung silver coin sa isang beses na humihiling na tanawin iyon at gawing mga pamamuti ng buhok, mga kuwintas at iba pang alahas.

Nagsusuot ang mga kadalagahang Hani ng kanilang susun-susong pilak na pamabuti bilang paggunita na ang mga terraces ang kanilang ikinabubuhay, at ang mga disenyo ng alimango, paros o waterwheel na nakaukit sa bawat piraso niyon ay nagpapahayag ng paggalang ng Hani sa tubig.

Sa kanyang akdang Memories of the Yunnan Horse Racing Festival, ipinaliwanag ng kilalang makabagong manunulat na si Shen Congwen na ang pangunahing atraksyon para sa kababaihan sa event ay ang pagdalo ng master silversmith mula sa market town, na lumilok ng ilang piraso sa naiibang disenyo noon din. Nakalatag ang kanyang materyal sa isang piraso ng tela sa pagtag na lupa, tutunawin, papandayin, bubutasan, itutubog, kakalupakupan at pagkakabit-kabitin ang mga pilak upang maging one-off design nang ayon sa kahilingan. Ang mga alahas na pilak ng Qing Dynasty o Republican period ay mabibili pa rin ngayon sa mga pamilihang bayan.