Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Sabi ni MJ Foster ng Denmark: "Gusto ko lang batiin ang mga DX-ERs sa Germany, Switzerland, Denmark at Finland. Iba, Kuya, ang DX-ERs sa web surfers. Talagang sa SW lang kami nakatutok at wala kaming business sa website as far as SW programs are concerned."
Salamat sa iyong pagpapaliwanag.
Pambungad na bilang, "Never Ever Say Goodbye", inawit sa ating masayang pakikinig ni Nonoy Zuniga. Iyan ay hango sa "OPM Greatest Hits"album.
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
SMS mula sa 0086 1352 0234 755: "Nagiging magkakaibigan ang mga tagapakinig sa iba't ibang lugar ng mundo dahil sa inyong Serbisyo Filipino. Kayo ay nagsisilbing unifying force ng Filipinos everywhere."
Thanks sa SMS.
Mula sa album na may pamagat na "Hua Ti Xi Shi", iyan ang awiting "Handang Magbahagi" ng The Flower.
Sabi ni Ronnalyn ng Beijing: "Malapit nang dumating ang Kapaskuhan. Sabi nila `X'mas is just around the corner'. Kung gagawa kayo ng X'mas program, huwag niyo kaming kalilimutan sa script para magkaroon naman kami ng participation. Once a year lang naman iyon."
Salamat, Roxanne. Sinabi mo iyan, ha?
Iyan, narinig ninyo ang magandang tinig ni Rachelle Anne Go sa awiting "Bakit"na hango sa collective album na pinamagatang "You Are the One". Parang may nagri-request ng kanta ni Rachelle, hindi ko lang matandaan kung sino. Anyway, merong short note si Jane ng Riyadh, Saudi Arabia. Sabi ng mensahe: "Marami akong dapat ipagpasalamat sa Serbisyo Filipino, lalo na sa iyo, Kuya Ramon. Hindi lang mga regalo ang pinasasalamatan ko, pati mga bagay na di-materyal na tulad ng payo at moral support, pinasasalamatan ko rin. Kulang ang thank you para totally mapasalamatan kita."
You are most welcome, Jane, at salamat din. Ang thank you mo ay ok na sa akin.
Iyan naman si Acker Bilk sa kanyang instrumental version ng "Night and Day". Hango iyan sa album na may pamagat na " Clarinet Moods".
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang pagtatanghal natin ngayong gabi. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|