• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-21 09:37:14    
Si Zhou Guoyun, tagapagtayo ng venues ng Olympiada

CRI
Pagkaraan ng kalahating taon, natapos na kamakailan sa iba't ibang lugar ang pagpili ng torchbearers ng Beijing Olympic Games at 11 libo at limang daa't tatlompu't apat na kandidato lahat-lahat ang napili.

Ngayon, isasalaysay ko sa inyo ang isa sa kanila na si Zhou Guoyun. Ipinakikita niya ang pagkaintindi ng lahat ng mga kandidato sa diwa ng Olympiada at mithiin ng pag-asa sa Beijing Olympic Games.

Si Zhou ay galing sa nayon ng Zhoutan ng Bayang Hua ng Llalawigang Henan at nagtatrabaho na siya nang mahigit 20 taon sa Beijing at lumahok sa konstruksyon ng maraming mahalagng proyekto. Noong 2003, sinimulang lumahok siya sa konstruksyon ng National Stadium o Bird's Nest, National Indoor Stadium at Olympic Village.

Nang kapanayamin ng mamamahayag, sinabi ni Zhou na nang malaman niya ang mensaheng ininominate siya ng Beijing bilang torchbearer noong ika-30 ng Nobyembre ng taong 2007, gayon na lamang ang kaniyang galak na parang nanaginip nang gising. Pagkatapos ng pagtanggap ng mga teleponong pambati ng kaniyang anak na lalaki at mga kaibigan, saka nagising siya na ito ay hindi pangarap.

Sinabi ni Zhou na lubos na ikinasisiya niya ang pagiging isang torchbearer, ngunit, ang paglahok niya mismo sa konstruksyon ng Bird's Nest at iba pang pasilidad ng Olympiada ay higit na nakabagbag ng kaniyang puso. Sinabi niyang:

"Para sa construction yunit, lalung lao na sa ganang aming henerasyon, lubos na ikinararangal naming ang pagkasalubong sa pagdaraos ng Beijing Olympic Games."