• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-25 14:13:21    
Panlabas at panloob na wushu

CRI
Ang martial arts sa Tsina ay nahahati sa Shaolin-influenced school of the north at Wudang approach of the south. Ang paaralang Wudang ay nagsimula sa Wudang Mountain ng Lalawigang Hubei, na kilala sa mga Taoist Temple nito at tahanan ng Taijiquan at baguazhang.

Ang Shaolin ay ipinalalagay ng isang panloob na wushu at ang Wudang ay panlabas na Wushu. Ang panlabas na Wushu, dahil sa mabilis at agresibong kilos nito, ay opensibo, samantalang ang panloob ng Wushu sa mas mabagal at mas mabining set ng panloob na Wushu ay depensibo, niniyu niyutralisa ang dyanamisim mula sa humigit kumulang na stationary stance.

Isang kamalian kung aakalaing isinasagawa ang panlabas na Wushu batay sa panlabas na kungfu at ang panloob na Wushu ay nababatay sa panloob na kungfu sapagkat ang dalawang prinsipyo ay magkapantay na ginagamit sa dalawa at mangyari pa'y sa lahat ng disiplina ng martial arts. Gaya ng mga naunang paliwanag, ang panloob na kungfu ay nakapokus sa vital energy at ang panlabas na kungfu ay sa kalamnan at buto.

Ang panloob na kungfu ay nangangailangan ng pagsasanay sa pagkontrol ng paghinga, sa pamamatigan ng pagmumuni-muni bilang isang paraan upang madagdagan muli ang vital energy. Ang lakas na natitipon sa pamamagitan ng pantay na paghinga ay napupuno sa exponent. Ang Shaolin Wushu ay umaasa lamang sa panloob na kungfu gayun din ang Wudang Wushu, bilang physical blow na tinutulungan ng tumpak na cultivated vital energy na naghahatid ng pinakaangkop na lakas.

Sa taijiquan ay pinahihintulutan ng defensive stance na tantiyahin ng inaatakeng tao ang kahinaan ng kaaway. Ang pagsukat sa kanyang kakayahan ay makikita sa kaliksihan ng paglihis nito sa atake at pagredirect na lakas ng katunggali sa isang backlash. Kapag tumpak ang pagsasagawa, maihahangis ng gayong ganting pagsalakay ang sumalakay nang ilang metrong layo. Bagamat tila mabagal at pasibo an panloob na Wushu kumpara sa mas dinamikong panlabas na estilo nito, kaya, pawing mabisa.