• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-25 14:14:20    
ang lagay ng pamumuhay at gawain ng mga Timog Koreano sa Qingdao

CRI
Si Ginoong Kim Sun Heung, Consul General ng Timog Korea sa Qingdao, ay isang magiliw na diplomata at batay sa kaniyang mahigit 20 taong karanasan sa pakikipagpalagayan at pakikipagugnayan sa Tsina, masasabing eksperto na siya sa mga suliranin ng Tsina. Dalawa sa kaniyang 3 anak ay isinilang sa Tsina at may isang espesyal na damdamin ang kaniyang buong pamilya sa Tsina.

Sinabi ni Kim na ang kagustuhan ng mga mamamayan ng Timog Korea sa lalawigan Shandong aynagmula sa maraming dahilan, libansa elementong heograpikal at kultural. Sinabi niya na:

"Magkakatulad ang kultura ng Shandong at aking bansa sa maraming aspekto na gaya ng klima, kaugalian, kagawian at estilo sa pagkain. Nitong nakalipas na mahabang panahon, hinihikayat ng kultura ng Shandong ang kultura ng bansa ko. Masigla at hospitable ang mga taga-Shandong, kaya magaan at maginhawa ang mga mamamayan ng aking bansa dito."

Sinabi pa ni Kim na dahil may maraming pamilyar na bagay ang kultura ng dalawang bansa, kaya agad na nakakasangkot ang mga mamamayan ng Timog Korea sa lipunan ng Tsina. Kasabay nito, lagging hinihikayat sila ng pag-unlad at pagbabago ng Tsina. Ang komong hangarin nila ay nakapagbibigay ng ambag para sa pagpapalitan ng dalawang bansa sa mga larangan ng kabuhayan, kultura at iba pa.