|

Kung nabasa mo ang classic novel ng Tsina--Journey to the West, tiyak na hindi ninyo nakalimutan ang mahiwagang monkey king na si Sun Wukong. Ngayon, dadalhin kita sa lupang-tinubuan ni Sun Wukong--Bundok ng Huaguoshanshan sa lunsod ng Lianyungang ng lalawigang Jiangsu sa silangang baybayin-dagat ng Tsina. Ayon sa alamat, ito ang prototype sa Bundok ng Huaguoshan sa Journey to the West.

Ang Bundok ng Huaguoshan sa lunsod ng Lianyungang na katulad ng paglalarawan sa Journey to the West, ay may katamtamang panahon at magandang tanawin.
May mahigit 100 pangunahing tourist spot ang Bundok ng Huaguoshan sa Lianyungang, makikita mo na marami sa kanila ang kasingganda ng paglalarawan sa Journey to the West, halimbawa, ang bato na pinagmulan ni Su Wukong at kataka-takang Water Curtain Cave. Ang mga ito ay laging pinupuntahan ng mga turista.

Sa alamat, ang kuwebang itong may tubig na kurtina ay lugar kung saan ay naglalaro si Sun Wukong at ang iba pang maliit na tsunggo. Maayos ang natural na batong mesa at batong silya sa loob ng kuweba, parang kaalis lamang si Sun Wukong at ang kasama niyang mga maliit na tsunggo.
Isinalaysay ni Miss Shen Hailin, isang tourist guide na kaugnay ng Water Curtain Cave, may isang alamat sa lokalidad:

"Ayon sa alamat, nang hanapin ang inspirasyon ni Wu Cheng'en, may-akda ng Journey to the West sa Bundok ng Huaguoshan, nagpahinga siya sa kuwebang ito, pagkaraang bumasa ang mga tsunggo ng iskrip ni Wu Cheng'en, sinabi nilang nag-iistay nang ganitong mahabang panahon ang mtatandang ito, hindi siya sumulat hinggil sa kanilang tsunggo, kaya, sinira nila ang iskrip ni Wu. Nang gumising si Wu, nawala na ang kanyang iskrip at mga pansulat. Pero, hindi ikinagalit ni Wu itong ginawang ito ng mga tsuggo at sa halip, kinaibigan niya ang mga ito at isinulat ang mga ito sa kanyang nobela."
|