Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Nagsisimula pa lang ang Disyembre pero marami na akong natatanggap na bating Pamasko. Paskung-Pasko tuloy ang pakiramdam ko.
Narinig ninyo ang Counterpoint Band sa awiting "Merry Christmas Darling" na, gaya ng alam na ninyo, pinasikat ng Carpenters. Iyan ay recorded live sa performance ng grupo sa Swiss Hotel Beijing.
Sabi ng isang SMS dito, pag narinig daw niya ang boses ng inyong lingkod
sa radyo, para na ring Pasko ang araw niya kaya dagdagan ko raw ang air time ko para madagdagan din ang araw ng Pasko niya.
Maganda. Interesting. Thank you, 921 378 1478.
Mula sa album na may pamagat na "Hindi Alam kung Sinong Mahal" (naku, mahirap iyan) iyan ang awiting "Pag-ibig" ni Deserts Zhang.
Narito ang isang advance na bating Pamasko: "Have yourself a very merry Christmas at hayaang gumaang ang inyong dibdib. Kalimutan muna ang problema. Malulutas iyan ng sarili niya."
Thank you, 917 401 3194.
Sabi naman ni Mailyn Jane Seba ng Diamante, Sta. Ana: "Good cheers sa China! Marami na rin itong naiambag sa pagsasanay ng mga atletang Pilipino bilang paghahanda para sa 2008 Beijing Olympics."
Salamat din sa iyo, Mailyn.
Narinig ninyo ang malamig na tinig ni Natalie Cole sa awiting "I Wish You Love"na lifted sa "Closer: When Pop Meets Jazz" album.
Sabi ng email ni Didith Ray ng Rosedale Hotel Beijing: "Dear Kuya, sana mapanatili ninyo ang kasalukuyang lakas ng inyong istasyon pati na rin ang lakas ng inyong pangangatawan. Mahalaga ang pananatili ninyo sa himpapawid para sa amin."
Thank you, Didith.
Tingnan naman natin itong SMS na mula pa rin sa Beijing: "Kapayapaan sa mundo sa lahat ng mga katulad ninyong may mabubuting kalooban. Kayo ay kabilang sa mga pinagpalang nilalang na nagsisilbing sugo ng kapayapaan."
Salamat sa iyo, 0086 1352 023 4755.
Iyan naman ang Minstrels sa awiting "Umagang Kay Ganda" na hango sa "OPM Greatest Hits" album.
At hanggang diyan na lang ang oras natin sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|