• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-01-04 19:02:51    
Security Command Center for Beijing Olympics, handa-handa na

CRI
Napag-alaman ng koresponsal mula sa news briefing na upang masegurado ang kaligtasanng lugar na katatayuan ng mga himnasyo ng Olympic Games, gumamit ng maraming elementong pansiyensiya at panteknolohiya sa mga gawain ng pangangalaga sa seguridad ng Beijing Olympic Games. Ang mga lugar ng konstruksyon ng mg himnasyo ng Olympic Games ay ginamitan ng mga monitor control installation para manmanan sa loob ng 24 oras ang mga mahahalagang purok at mahahalagang bahagi ng konstruksyon.

Ang lahat ng video frequency monitor system ng mga konstruksyon ng Olympic Games sa buong lunsod ng Beijing ay pawang nasa internet at sa pammagitan ng website, alam na alam ng Olympic Games Security Command Center ang kalagayan ng kaligtasan ng mga konstruksyon ng Olympic Games sa buong lunsod ng Beijing.

"Lubos na gumagamit kami ng mga teknolohikal na instalasyon sa paglikha ng walang puwang na pagtanod sa kaligtasan ng konstruksyon ng Olympic Games. Ang technical monitor system ng mga mahahalagang bahagi ng konstruksyon ng Olympic Games sa buong lunsod ay naipasok na sa Olympic Games Security Command Center at pinag-iibayo ang pagtatanod na teknikal."

Habang papalapit na ang Beijing Olympic Games, at sunud-sunod na natatapos na ang mga himnasyon ng Beijing Olympic Games, ang mga gawain sa pangangalaga sa seguridad ng mga himnasyon ng Beijing Olympic Games ay unti-unti nang nagbabago tungo sa yugto ng pangangalaga sa seguridad ng lugar ng paligsahan mula sa pangangalaga sa lugar ng konstruksyon.

Upang masegurado ang kaligtasan ng mga himnasyon ng Olympic Games, sadyang bumuo ng isang espesyal na pangkat ng mga pulis sa hanay ng security guard ng Beijing Olympic Games. Sinabi pa ni Liu Shaowu na,

"Ang Beijing Public Security Bureau ay matagal nang nakapagtatag ng sariling espesyal na pulis na nagsasagawa ng espesyal na pagsasanay na tulad ng sa daigdig. Sa gayon, bilang isang shock brigade laban sa terorismo at karahasan. Sa sandaling may naganap na teroristang paglusob, patitingkarin nila ang papel bilang matulis na punyal."