Nagpadala noong ika-3 ng Enero ng mensahe si pangulong Hu Jintao ng Tsina kay Haring Bhumibol Adulyadej ng Thailand bilang pakikidalamhati sa yumaong ate ng hari na si Galyani Vadhana. Iniabot ni Zhang Jiuheng, embahador ng Tsina sa Thailand, ang mensaheng ito sa ministring panlabas ng Thailand.
Napag-alaman noong ika-2 ng Enero ng mamamahayag mula sa Departamento ng Edukasyon ng Lalawigang Fujian ng Tsina na sapul noong taong 2003, mahigit 700 person-time na boluntaryong guro na galing sa lalawigang ito ang pumunta sa Pilipinas, Thainland, Biyetnam, Laos at ibang pang bansang ASEAN para magturo ng wikang Tsino. Ipinahayag ng may kinalamang namamahalang tauhan ng nasabing departamento na kasabay ng pagpapalawak ng saklaw ng mga boluntaryo, gaganap din ang iba't ibang pamantasan ng kaniyang lalawigan ng kani-kanilang katangian para tulungan ang mga bansang ASEAN na itakda ng plano, klase at direktoryo sa pagtuturo ng wikang Tsino at balangkasin ang teksbuk ng wikang Tsino na angkop sa lokalidad alinsunod sa kani-kanilang pangangailangan ng mga bansang ASEAN.
Idinaos noong ika-28 ng Disyembre sa Nanning, lunsod sa timog kanlurang Tsina, ang kauna-unahang porum sa kaunlaran at kooperasyong pangkabuhayan ng mga chamber of commerce ng Nanning at mga lunsod ng ASEAN. Nagpalitan ng palagay ang mga kinatawan mula sa mga chamber of commerce ng Tsina at iba't ibang bansang ASEAN hinggil sa papel ng kooperasyon ng mga chamber of commerce sa pagpapasulong ng konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN. Sa kanyang paglahok sa naturang porum, ipinahayag ni Song Beishan, pangalawang tagapangulo ng All-China Federation of Industry and Commerce, na dapat puspusang pasulungin ang bilateral na kooperasyong di-pampamahalaan ng Tsina at ASEAN. Sinabi niyang sa pamamagitan ng koopearsyong di-pampamahalaan, mapapalakas ang pagpapalagayang di-pampamahalaan at mapapalawak ang espasyo at larangan ng kooperasyon ng dalawang panig at sa gayo'y makakabuti sa lalo pang pagpapasulong ng pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig.
Nang kapanayamin noong isang linggo ng mamamahayag ng Biyetnam hinggil sa isyu ng relasyon nila ng Tsina, ipinahayag ng pangalawang Ministrong Panlabas ng Biyetnam na ang Tsina ay naging pinakamalaking trade partner ng Biyetnam at ito ring pinakamalaking pamilihan ng turista sa Biyetnam. Ipinahayag din niyang natamo ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa ang malaking progreso at tinatayang umabot sa 14 bilyong dolyares ang halaga ng kanilang bilateral na kalakalan noong isang taon. Anya, ang Tsina ay isa sa mga bansang nagbibigay ng pangmatagalang preperensiyal na pautang sa Biyetnam para katigan ang konstruksyon ng imprastruktura at proyekto ng industriya ng Biyetnam.
Ipinahayag ng researching center ng Thai Farmers Bank sa Bangkok na mula noong isang taon hanggang 2008, ang Tsina ay nananatiling isa sa mga bansang may pinakamabilis na pag-unlad ng kabuhayan at ang bahagdan ng paglaki nito ay aabot sa double digit. Ang pagluluwas ng Thailand ay makikinabang sa paglaki ng kabuhayang Tsino sa taong kasalukuyan. Tinukoy ng nabanggit na center na noong unang 10 buwan ng 2007, lumaki nang 27.5% ang pagluluwas ng Thailand sa Tsina, tinayang lumaki nang halos 25% hanggang 30% sa buong taon.
Sa Sin Chew Daily, pahayagan sa wikang Tsino ng Kambodya na inilathala noong Enero Uno, napili ang 7 pinakamahalagang pangyayari ng pagpapalagayang pangkaibigan ng Kambodya at Tsina noong isang taon. Ang naturang 7 pangyayari ay: pagkakaloob ng Tsina ng 9 na bapor na pamamatrolya sa Kambodya para sa pagbibigay-dagok sa pagpupuslit sa dagat at mga pirata, pagsisimula ng pagkumpuni sa lansangan bilang 76 ng Kambodya na may preperensyal na pautang ng Tsina, pag-aabuloy ng Tsina ng 30 fire fighting vehicles sa Kambodya, pagdalaw sa Kambodya ni Yu Zhengsheng, kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at party secretary ng Lalawigang Hubei, pagdaraos ng eksibisyon ng mga larawang Tsino, pag-aabuloy ng Tsina ng 104 na motorsiklong pampulisya sa Kambodya at pag-aabuloy ng Tsina ng electric sigutseeing vehicles sa Kambodya. Ang kasalukuyang taon ay ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Kambodya. Itinakda na ng dalawang bansa ang taong ito na "taong pangkaibigan" at itataguyod ang isang serye ng aktibidad bilang paggunita sa okasyong ito.
Ipinatalastas noong ika-28 ng Disyembre ng Pambansang Komisyon sa Reporma't Pag-unlad ng Tsina na inaprobahan na ng komisyong ito ang proyekto ng pagtatatag ng Overseas Investment Co. Ltd. ng Suzhou Industrial Park ng espesyal na sonang pangkabuhayan sa Vientiane ng Laos. Ayon sa salaysay, ang proyektong ito ay kinakatig ng mga pamahalaan ng Tsina't Laos. Sasamantalahin ng nasabing kompanya ang matagumpay na karanasan nito sa aspekto ng pagpaplano, konstruksyon, pamamahala at pag-akit ng pamumuhunan para mapaunlad ang kabuhayan sa sonang ito.
|