• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-01-07 09:45:03    
Maging mabuting punong ministro o mabuting doctor

CRI
Ang dalawang pinakamahalagang petsa ng taon para sa mga nakatira sa Zhuge Bagua Village ay ang anibersaryo ng kaarawan ni Zhuge Liang na tumatapat sa ika-14 na araw ng ika-4 ng buwang lunar, at ang kanyang kamatayan noong ika-28 ng ika-8 buwang lunar, sa naturang mga araw, lumalahok ang buong bayan sa commemoration ceremony, magdaraos ng isang temple fair at mag-aanyaya ng mga tripang panteatro upang magtanghal ng mga palabas.

Si Zhuge Liang ay isang pantas bukod pa sa pagiging isang matalinong estratehista. Ang kanyang mga payo sa kanyang mga inapo ay " kung hindi ka magiging isang mabuting punong ministro, dapat kang maging isang mabuting manggagamot," sapagkat alam niya, ang kanyang mga inapo, gayun din ang iba pang tao, ay makikinabang mula sa pagigigng manggagamot. Ang Zhuge Bagua Village ay siyang tahanan ng maraming practitioner ng tradisyonal na medesinang Tsino (TCM).

Ang mga TCM physician ng angkang Zhuge ay nanggagamot sa buog bansa, at 200 sa kanila ay may sariling TCM pharmacy. Kabilang sa mga inapo ni Zhuge Liang ay ang Zhuge Chengzai branch na nag-di-deal ng halamang gamot na popular sa buong bansa at siyang pinakamatagumpay. Ang kanilang achievement ay nakatanghal sa Exhibition Hall ng Tradisyonal na Medisinang Tsino na itinayo ng angkan ni Zhuge Chengzai sa Zhuge Bagua Village.

May 17 pamilya ang naninirahan sa nayon na gumagawa ng medisinang Tsino sa loob ng mahigit na 4 na henerasyon. Sa Zhuge Family Tree ay gumitaw ang isang mataas na parangal para sa mga innunong Zhuge na kinabibilangan ng mga pangalan ng 64 klase ng halamang gamot-isang indiksyon ng likas na taletong pangkultura ng angkan at malalim na balon ng karunungan sa TCM.