• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-01-07 09:45:23    
Beijing Olympic Games, nalalapit sa mga sibilyan

CRI

Kasunod ng paglapit ng 2008 Beijing Olympic Games, ang "Olympics" ay isang salita lagi sa pamumutawi-labi sa pamumuhay ng mga sibilyang Tsino.

Ang 103 taong gulang lola na si Cao Zuozheng ay taga-Beijing. Hindi lamang siyang nanatiling malusog, apisyonado pa siya sa pagsasanay. Ikinasisiya niya ang pagdaraos ng 2008 Olympics sa kanyang lunsod. Sinabi niyang manonood siya sa paligsahan at nais pa niyang tuparin ang kanyang pangarap.

Ang pangarap ni lola Cao ay maging isang Olympic Games torch bearer. Para matupad ang pangarap na ito, naglalakad siya bawat na araw at kaalinsabay nito'y nagsasanay ng lakas ng bisig. Noon nang ipatalastas ng Chinese Olympic Committee ang pagsimula ng pagpapatala ng Olympic Games torch bearer, nagi siya ang kauna-unahang nagpapatala sa kanyang resident committee. Lubos na kinakatigan naman si Cao ng kanyang pamilya. Sinabi ni Xiao Shengqiang, anak niya, na:

"Kinakatigan namin ang ina ko. Kung may nakuha kaming mga balita ukol sa Olympic Games sa pahayagan at TV, isinalaysay namin sa kanya."

Si Liang Chen, isang estudyente sa Beijing University of Aeronautics and Astronautics ay naging isang boluntaryo ng Beijing Olympic Games dahil sa kanyang pagsisikap. binago nang malaki ng kapasidad ng boluntaryo ang kanyang pamumuhay, sinabi niyang:

"Ngayon, nabago ang mga impormasyong pinahahalagahan ko, lubos na pinahahalagahan ko ang balitang may kinalaman sa Olympics, lalo na sa mga boluntaryo. Bukod dito, gusto naming isuot ang damit na kinasusulatan ng "Good Luck Beijing". Ikinararangal ito namin."

Bukod dito, nagbibigay naman ang iba pang taong hindi naging boluntaryo ng ambag sa abot ng makakaya sila para sa matagumpay na pagdaraos ng Olympic Games.

Ayon sa plano ng pamahalaang munisipal ng Beijing, hanggang sa pagdaraos ng Olympics, 30% mamamayan ng Bejing ang makapagsasalita ng Ingles. Para abutin ang target na ito, magkasamang sinanay ng pamahalaan at paaralang pangsibilyan ang mga boluntaryong guro sa pagtuturo ng Ingles.