• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-01-08 15:02:14    
Isang bantog na film director ng Tsina

CRI
Ngayon, ipakikilala namin sa inyo si Chen Daming, isang Chinese film director. Maraming taon siyang gumanap na aktor sa Estados Unidos. Umuwi sa Tsina mula Hollywood upang matupad ang kanyang pinakamimithing pangarap na maging isang film director. Noong 2006, yumanig sa buong bansa ang pelikulang Di Magkamayaw Kahit na ang mga Manok at Aso na siya ang sumulat ng screen at naging direktor niyon.

Noong 1988, nagtapos siya sa Beijing Film Institute sa pagkaartista. Sa gulang sa 24 na taon, nagturo siya doon ng dalawang taon. Noong unang dako ng l990s, nagsadya siya sa Hollywood sa Estados Unidos at nagkaroon siya doon ng pagkakataong gumanap ng isang di gaanong mahalagang papel sa isang pelikula. Ayon kay Chen Daming na malaki ang naitulong ng karanasang iyon sa kanyang buhay.

Matindi ang kompetensiya sa Hollywood. Sa gusto mo o ayaw ay mapipilitan kang tupdin nang buong husay ang mga gawain. Gayon din ang mga artista. Kailangan kang pumasok sa klase. Sapagkat gayon sa Estados Unidos. Liban kay Tom Cruise, isang sikat na actor. Sa karaniwa'y kailangang gumawa ng mga trial performane ang mga artista. Kay raming artista doon, kaya mapipilitan kang gawing pinakamahusay ang iyong gawain. Ito ang natutuhan ko sa Hollywood.

Walong taon siyang namalagi at nagshooting sa Hollywood. Sa panahong iyon, walang kapaguran siyang nagsumikap, kaya nakapagganap siya ng papel sa maraming pelikula at unti-unti na siyang nakilala sa sirkulo ng pelikula ng Estados Unidos. Naging bida siya sa Pelikulang "Gengiskhan". Sa Hollywood. Matagumpay na ginampanan ni Chen Daming ang magiting na emahen ni Gengiskhan, isang bayani ng Liping Mongoles noong huling dako ng ika-12 siglo. Kinasiyahan ng mga manunuuod sa Estados Unidos ang naturang pelikula.