• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-01-09 10:45:35    
Matandang Bayan ng Taining

CRI
Pagkaraang maglakbay sa Zhaixia Great Vally, ninamarka ni Ginoong Li Qifeng, galing sa lalawigang Taiwan ng Tsina na:

"Isa itong kahiwagaan sa ilalim ng langit, wala itong kahamping at hindi ito matatagpuan sa anuman ipa bang lugar. Ito ay pambihirang yaman na naiwan ng kalikasan sa sangkatauhan."

Sa himlayan ng great valley, may isang lawang tinatawag na Lawang Yanxi. Nakatago noong una ang lawang ito sa ilalim ng great valley, hindi makaraan pati ang bapor. Noong taong 2005, nang itatag sa bayang Taining ang geopark, naitatag ang isang nakabiting tulay sa ibawbaw ng lawa at sa gayo'y nailantad ang ganda ng buong Lawang Yanxi.

Sa gitna ng lawa, may tumutubong malalabay na mailap na sleeping lotus sa ibabaw ng lawa. Sa panahon ng pamumulaklak, ang nagmumukadkarang busilak na lotus at ang berdeng kawayan ay nag-uunahan sa karikdan sa bughaw na langit. Kay ganda talaga.

Bukod dito, may isang magandang alamat dito. Itinago ng isang maliit na puting dragon ang golden suso sa lawang Yanxi at naiwan ang isang aklat, kung maiintindihan ang mga salita sa aklat, saka mahahanap ang golden suso. Hanggang sa kasalukuyan, ilang daang taon na ang nakararaan, hindi pa nahanap ang golden suso, pero, nagsisikap ang maraming iskolar sa Taining para maintindihan ang mga balita sa nasabing aklat. Kahit hindi nagtagumpay sila sa pagtuklas ng suso, nagpakadalubhasa sila sa sarili sa karunungan at sa maliit na bayang ito'y isinilang ang di iisang kilala sa buong bansa na iskolar.

Kung gusto ninyong malamang mabuti ang danxia landform, bakit hindi kayong mismo bumisita sa Taining Geopark?