Iklik para palakihin
Taining National Geopark ay isang tourist spot na may espesyal na estrukturang heograpikal at magandang tanawing natural sa Lalawigang Fujian sa dakong timog silangan ng Tsina.
"Ang Taining Geopark ay isa sa mga pinakamabuting geopark sa daigdig."
Iklik para palakihin
Ganito ang pagtasa ni Dr. W. Eder, direktor ng departamentong heograpikal ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization, UNESCO sa Taining Geopark. Dahil sa kanyang espesyal na danxia landform, pinili ito ng UNESCO bilang pandaigdigang geopark.
Ang danxia landform ay isang katangi-tanging tanawing heograpikal. Pagkaraang arawit ulanin sa mahabang panahon, ang pulang sandstone nito ay naging kakaibang bato sa bandang huli. Sa mga umiiral na 600 danxia landform sa Tsina, ang Taining, sa dakong hilagang kanluran ng lalawigang Fujian ng Tsina, ay isa sa mga lugar na pinakakumpleto ang uri at pinakamarami ang anyo.
Iklik para palakihin
Kung gusto mong totoong makaranas ng kahiwagaan ng Taining Geopark, karapat-dapat na pumunta kayo sa Zhaixia Great Valley na tinatawag na halimbawa ng geopark sa buong daigdig ng UNESCO. Sinabi ni Ginoong Lin na galing sa Fujian South-East Broadcasting Corporation na,
Iklik para palakihin
"Ang Zhaixia Great Vally scenic area, na sumasaklaw ng mga 2 kilometrong kuwadrado, ay binubuo ng nakakahugpong Xuantianxia Valley, Tongtianxia Valley at Yitianxia Valley, malalabay ang halaman sa loob ng valley at marami sa kanila ay pambihira sa bansa. Pumasok sa valley, parang dumating kayo sa Shangri-la."
Iklik para palakihin
Ang Zhaixia Great Vally scenic area ay binubuo ng halos 500 valley at ito ay nukleong scenic area na mainit na tinatanggap ng mga turista. Kung pumasok dito, makikita ng mga turista ang iba't ibang anyo ng bangin: matuwid o mahilig, malawak o makitid at makararamdam ng proseso ng pagbuo ng mga valley at ang bawat valley ay may sarili nitong katangian.
|