• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-01-10 20:01:56    
Animo'y Niyebeng Buhok, November's Chopin, Jay Chou

CRI
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Kung nakikinig ka, Mareng Gina (Mareng Gina ng Baclaran), thank you sa napakagandang t-shirt. Ang lakas ko talaga sa iyo, ha?

Iyan si Jose Marie Chan na nagbubukas sa ating munting palatuntunan sa awiting "Christmas in Our Hearts" na buhat sa "OPM Christmas Songs" album.

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si R-A-M-O-N Jr., ang inyong loving DJ.

Meron tayong mensahe mula sa Osaka, Japan. Ang nagpadala ay si Carol Ordonez. Sabi niya: "December na. Christmas month na. Puwede na tayong magpalitan ng Christmas greetings at Christmas cheers. A blessed and colorful Christmas sa Filipino Service at sa China. Halina't magdiwang at magsaya."

Thank you, Carol. Same to you. Kumusta rin sa lahat ng kababayan diyan sa Osaka, ha?

Tingnan naman natin itong SMS mula sa 919 257 8451: "Sana i-share naman sa amin ng Beijingers ang kanilang wonderful experience sa araw ng Pasko. Curious lang kami."

Thank you, 919 257 8451. Tingnan natin kung paano, ha?

Mula sa album na may pamagat na "November's Chopin 11," iyan ang awiting "Animo'y Niyebeng Buhok" ni Jay Chou.

Sabi ng short note ni Roxanne Rombawa ng San Juan: "Kuya Ramon, sana makapag-celebrate din kayo ng mga kababayan natin diyan ng Christmas kahit malayo kayo sa inyong mahal sa buhay. Maraming kababayan ang hindi nakakauwi sa panahon ng Kapaskuhan at alam ko na mahirap ito para sa kanila. Kaya pagkatapos na makapag-long distance call sa Pinas, magsama-sama na lang kayo at magdiwang para sa birthday ng Messiah."

Salamat sa iyong concern, Roxanne. God bless.

Iyan naman ang Bread sa awiting "The Guitar Man" na buhat sa "Bread's Anthology" album.

Mula sa Germany, sabi ng 0049 242 188 210: "Lahat ng maganda at mabuti wish ko sa China at Chinese friends sa araw ng Pasko. Ipagpasalamat ninyo ang tagumpay ng bansa sa maraming areas lalo na sa area ng kabuhayan. "

Thank you.

Mula naman sa Switzerland, sabi ng 0041 787 882 084: "Sana lahat ng inyong araw ay maging Paskong lagi. Huwag susuko sa hamon at problema. Kayang kaya ninyo iyan."

Salamat din sa iyo.

"Looking in the Eyes of Love." Alison Krauss and Union Station. Buhat sa "Best Audiophile Voices"

Sabi ng email ni Nelson ng Lumban, Laguna: "Kuya Ramon, lagi kong inaabangan ang iyong Gabi ng Musika. Somehow, nalilibang ako dito dahil iba-iba ang dating ng SMS, snail mail at email. Malawak din ang selection ng inyong musika. Napipiho ko na darami pa ang mga tagapakinig mo. More power."

Thank you, Nelson.

At diyan nagtatapos ang ating pagtatanghal ngayong gabi. Itong muli si Ramon Jr.. Maraming maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.