Bakit niya ginaganito ang mga batang ito? Sinabi ni Kim na bukod sa dahilan na mabait at masilga ang mga taga-Tianjin at kaniyang pakikiramay sa mga mahihirap na ampon, ang isa pang dahilan ay nagkimkim siya ng damdamin sa lokal na pamahalaan.
"Mahabang panahon na ang dinadanas ng aking bahay-kalakal sapul nang itatag ito, sa panahong ito, nagbibigay ang pamahalaang lokal ng maraming tulong sa akin. Kung wala ang pagtulong na ito, hindi uunlad nang malaki ang aking bahay-kalakal. Kaya bilang isang dayuhan, kung papaanong pasasalamatan ang pamahalaang Tsino? Pinili ko ang paraang ito."
Sa ilailm ng pagtulong ni Kim, ang naturang 13 bata ay hindi lamang patuloy na nag-aaral sa paaralan at nagkakamit ng mabuting edukasyon, kundi malusog sila sa mga aspeto gaya ng pagkatao at kalooban.
Sa kasalukuyan, sa impluwensiya ni Ginoong Kim, ang maybahay niya ay naging kaniyang matatag na sandigan at itinuturing ng kaniyang mga anak ang naturang bata na kanilang magkakapatid. Ang pamilya ni Kim ay naging isang tunay na masayang malaking pamilya.
Nang mabanggit ang naturang bata, masayang ngumiti si Kim. Sinabi niya na ang pinakamalaking kasayahan niya ay makita ang masaya at may kompiyansang paglaki ng naturang tinutulungang ampon. "Nang kauna-unahan kong makita ang naturang 13 bata, walang kakaunting ngiti ang kanilang mukha at nerbisyo pa nang makita ang mga strangers. Sa kasalukuyan, buong pusong ngumiti sila at napakasaya. Ikinararangal ko ang pagkakita nilang malusog na lumalaki nang lumalaki sa palipas ng mga araw."
|