|

Ang Hangzhou ay kilala-kilalang lunsod na panturista sa Tsina, ang west lake sa loob ng lunsod ay laging pinupuntahan ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa. Pero, wala pa sa 5 kilometro mula sa west lake, may isang lugar na tinatawag na Xixi ay kasinganda sa Shangarila. Ang Xixi ay kuna-unahang wetland park sa antas na pang-estado ng Tsina at tanging wetland sa lunsod.
Ang tubig ay kaluluwa ng Xixi. Sala-salabat ang agusan, lawa-lawaan, latian, aplaya at isla na bumubuo ng tanawin ng wetland.

Ibig-ibig ni Zhao Wenjuan, isang turista mula sa Ningbo ng lalawigang Zhejiang ng Tsina ang ganitong katangi-tanging tanawin. Sinabi niyang:
"Ang unang impresyon ko ay maginhawa dito, makikita ko ang tubig sa lahat ng direksyon, hindi lamang maginhawa kundi mahulumigmig dito. Mainam ang presebasyon ng primitibong ekolohiya."

May dalawang malaking natural na tanawin dito sa Xixi na alalaong baga'y reed catkins at plum blossom. ang tag-lagas ay tamang panahon para masdan ang reed catkins. Namamangka kayo habang nagpapasasa sa tanawin ng magkabilang panig ninyo ang mahinahong pagsasayawan at bulungan ng reed ay bumuo ng isang napakagandang Chinese traditional landscape painting.
Nitong ilang daang taon na ang nakaraan, pinabayaan ang Xixi at naging lupang tiwangwang. Ngunit, mula noong taong 2003, muling nakatawag ang lugar na ito ng pansin ng mga mamamayan.

Ang ganitong pambihirang wetland sa lunsod ay isinailalim na sa maingat na pangangalaga at paggagalugad. At magkakasunod na isinagawa ang una at ikalawang yugto ng komprehensibong proyekto ng pangangalaga. Hanggang Oktubre ng taong 2008, matatapos ang ikatlong yugto ng proyekto at lalampas sa 10 kilometrong kuwadrado ang wetland ng Xixi.
|