• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-01-16 20:38:01    
Kuwento ni Xi Zhinong

CRI
Bilang isang prospesyonal na potograpo ng temang mailap na hayop, umaasa si Xi na makapagbibigay-pansin ang mas maraming tao sa pangangalaga sa kapaligiran. Sinabi niya na,

"Nais kong sabihin sa lahat ng mga tao na malubhang lumalala ang ating kapaligiran. Sa isang banda, pinahahalagahan ito ng pamahalaang Tsino at sa kabilang banda, tunay na nadarama natin ang pagbabago ng kapaligiran, kaya dumarami nang dumaraming tao ang nakikisangkot sa pangangalaga sa kapaligiran, ang mga kabataan sa partikular."

Upang maakit ang mas maraming tao sa paglahok sa pangangalaga sa mga mailap na hayop, itinatag noong taong 2001 sa Beijing Zoo ni Xi ang "Wild China Film" at ito ay isang samahan ng pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng potograpiya para sa pagpapakita at pangangalaga sa kalikasan. Kumpara sa noong ilang taong nakaraan, ipinalalagay niya na malinaw na tumaas ang kamalayan ng buong lipunan sa pangangalaga sa kapaligiran. Sinabi niya na,

"Ang bagay na ikinasisiya ko sa particular ay napakalaki ng malasakit ng mas maraming kabataan sa ating kalikasan at pangangalaga sa kapaligiran. Kung aaksyon tayong lahat, sa tingin ko, tunay na pabubutihin ang kapaligiran ng Tsina."

Kasunod ng pagsisikap niya at kaniyang "Wild China Film", sinimulan ng mas maraming tao ang pagdako ng kanilang pansin sa mga mailap na hayop at mas maraming kabataan ang lumalahok sa makabuluhang usaping ito ng pangangalaga sa mga mailap na hayop at kapaligiran.