• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-01-17 14:17:03    
Shangri-la sa silangang Tsina

CRI

Iklik ang larawan para palakihin

Kasunod ng pagsasaayos sa kapaligiran, napanumbalik ang maraming matulaing purok. Ang bagong itinatag na berdeng dike ay humihikayat ng maraming turista. Ang berdeng dike ay isang 137 metrong haba, 3 metrong lapad at may 1-3 metrong lalim na tubig na transparent liku-likong koridor.

Sa magkabilang paing nito, itinanim ang halos 700 aquatic plant. Dagdaan ng koridor na ito, makakapasok ang mga turista sa ilalim ng tubig ng wetland para mag-enjoy ng iba't ibang root system ng mga aquatic plant at lumalangoy na iba't ibang isda.

Iklik ang larawan para palakihin

Mainam ang kalidad ng tubig sa Xixi. Ayon sa salaysay, bukod ng pagtatatag ng istasyon ng pagmomonitor sa kalidad ng tubig, sinamantala pa ng namamahalaang departamento ng parke ang aquatic plant para mapanatili ang kalidad ng tubig.

Habang itinuturo ang isang halaman sa lawa-lawaan, sinabi ni tourist guide Miss Liu na:

Iklik ang larawan para palakihin

"Iyong halamang may biyoletang bulaklak ay water hyacinth, kahit sobra tutubo ito, kung bubunutin ito sa takdang panahon, mahusay ito sa pagpapalinis ng tubig. Kaya, makikita mo ang halamang ito saan man dako aming parke. May kaunting pagkakaiba ang tubig ng lawa na may water hyacinth at iyong wala. Pagkaraan ng ilang panahon, paalisin ang mga water hyacinth at makikita mo, malinaw ang tubig."

Pero, kasunod ng pagrami ng mga turista, nangangamba ang mga tao na kung magdudulot o hindi ng kapinsalaan sa kapaligirang ekolohikal ang paggagalugad na panturista. Ipinahayag ni Liu Xiang, tauhan ng Xixi Wetland Park na sa paggagalugad na panturista ng Xixi, ang turismong ekolohikal ang ipinauna.

Iklik ang larawan para palakihin

Mayroon kaming kahilingan sa aming mismo, ibig sabihin, pagkontrol sa dami ng mga bisita. Para mas mainam na mapangalagaan ang ekolohiya, mabawasan ang presyur na ekolohikal, itinakda naming di-lampas sa 3000 tao bawat araw ang tanggapin namin.

Kung maglalakbay kayo sa Hangzhou, huwag makalimutang pumunta sa Xixi wetland, ang Shangarila.