Magandang magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi Ng Musika.
Maraming salamat sa lahat ng mga sumusubaybay at tumatangkilik sa Gabi ng Musika.. Hindi ko makakalimutan ang inyong pagpapahalaga at malasakit sa programang ito. God bless you all!
Pambungad na bilang, "Kumukutikutitap" ni Ryan Cayabyab. Hango iyan sa collective album na may pamagat na "OPM Christmas Songs". Kumusta nga pala sa mga kaibigan sa Kalookan at Pandacan. Salamat sa inyong text messages.
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
Hello kay Lucas Baclagon ng Jeddah, Saudi Arabia. Sabi ng kaniyang email: "Sana sa 2008 magkaroon pa kayo ng mga bagong pakulo at gimik. Nami-miss ko na ang inyong mga pakontes at gusto kong makarinig ng mga bagong programang nakakalibang at nakakapagpasaya. Okay naman ang inyong mga programa pero parang naiigsian pa ako. Dagdagan sana ninyo."
Salamat, pare.
Isa sa mga track ng album na pinamagatang "Dakong Kanluran", iyan ang awiting "Ang May-sala" ni Lam Junjie.
Email uli. Sabi ni Stephanie Lim ng C. M. Recto, Sta. Cruz, Manila: "Ngayon pa lang binabati ko na kayo ng maligaya at masaganang Pasko. Kahit wala kayong bagong damit o kahit hindi ninyo mabili ang gustung-gusto ninyong bilhin, dapat kayong magsaya dahil kaarawan ito ng dakilang manunubos."
Thank you, Steph.
Ella Fitzgerald at Louis Armstrong sa awiting "Dream a Little Dream of Me" na buhat sa "Jazz Moods Vol. 2" album.
Sabi ni Butch Pangilinan ng Olongapo City, salamat daw sa CAEXPO ng Tsina at nagkakaroon daw ng pagkakataon ang mga bansang tulad ng Pilipinas na maipakita ang kanilang husay at ganda.
Thank you, Butch.
Sabi naman ng 928 601 3479: "Kuya, mabuhay sa iyong Gabi ng Musika. Nakikinig ako dito to keep my sanity. Sometimes tuliro ako sa trabaho."
Salamat sa SMS. Relax ka lang, okay? Relax.
Iyan naman si Stevie "Boy" Wonder sa awiting "I Just Called to Say I Love You" na lifted sa album na may pamagat na "A Time to Love."
At diyan nagtatapos ang ating pagtatanghal ngayong gabi. Itong muli si Ramon Jr.. Maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|