• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-01-17 14:17:55    
Yunnan at GMS, pinalalakas ang kooperasyon sa larangan ng enerhiya

CRI
Kasabay ng pagtutulungan nila ng Biyetnam, aktibo rin ang Yunnan Power Grid Corporation sa pakikipagtulungan sa iba pang mga bansa sa Greater Mekong Subregion. Kaugnay nito, isinalaysay ni Zheng Waisheng, Direktor sa Pagpaplano at Pag-unlad ng Yunnan Power Grid, na nagsimula na rin ang kanilang pakikipagtulungan sa Laos at nakatitiyak ang magkabilang panig na makapaghahatid ng koryente ang YNPG sa pamamagitan ng dalawang power grid .

Sinabi pa niya na nagtatalakayan ngayon ang dalawang panig hinggil sa kontrata at sa mga konkretong hakbang sa pagpapatupad sa proyektong ito. Aniya pa, napagpasiyahan nilang maghatid ng koryente sa Laos ngayong taon o hindi lalampas ng susunod na taon. Kasabay nito, nagsimula na rin ang pagtutulungan ng Yunnan Power Grid at ng panig ng Myanmar at sang-ayon silang magtayo ng 3 power station sa loob ng Myanmar na makapaghahatid ng koryente simula sa darating na Oktubre. Tungkol dito, isinalaysay ni G. Zheng na:

"Kung magkakagayon, sa kasalukuyang taon--kalagitnaan ng ika-11 panlimahang taong pambansang plano ng Tsina--makapaghahatid kami ng koryente patungo sa lahat ng tatlong bansang Asean na kahangga ng Yunnan."

Ang pakay ng YNPG ay maisakatuparan ang makatuwirang pagbabahagi ng yaman ng koryente ng mga bansa ng Greater Mekong Subregion. Halimbawa, sagana sa yamang-koryente ang Laos at Myanmar, pero, limitado ang kanilang pangangailangan dito, kaya, ang kanilang kinakaharap na problema ay kung papaanong iluluwas ang koryente. Para sa Thailand naman, malaki ang pangangailangan nito sa koryente, pero, kulang sa yaman.

Para naman sa Biyetnam, mayaman ito sa yaman at malaki rin ang potensyal ng pamilihan nito, pero, sa iba't ibang yugto ng pag-unlad ng bansa, kung minsan kapos ito sa koryente at kung minsan, sobra naman. Kaugnay nito, sinabi ni G. Zheng na:

"Kung magkakaugnay ang mga power grid ng mga bansa ng GMS, maisasakatuparan ang tumpak na alokasyon ng yaman ng koryente ng rehiyon."