• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-01-23 16:35:40    
Isang sinaunang bayan sa silangang Tsina

CRI
Ang Wuxi ay isang sinaunang lunsod na may mahabang kasaysayan sa delta ng ilog Yangtze ng Tsina. Bagama't mabilis ang urbanisasyon sa kasalukuyan, inireserba sa Wuxi ang ilang sinaunang bayan. ang bayang Rongxiang ay isa sa kanila, at may halos 600 taong kasaysayan. Ngayong araw, dadalhin kita sa naturang bayang Rongxiang sa lunsod na Wuxi ng lalawigang Jiangsu ng Tsina.

Ang sinaunang bayang Rongxiang na nasa Binhu District sa kanlurang karatig ng lunsod na Wuxi, ay "cradle" ng maraming pambansang negosyante sa komtemporaryong panahaon. Nahahati ito sa tatlong nayon: Upper Rong, Middle Rong at Lower Rong sa unang panahon. Isinalaysay ni Chen Wenyuan, dating professor ng Jiangnan University na,

"Noong unang dako ng 15 siglo, lumipat ang 80 taong kulang na si Ginoong Rong Qing sa Wux na may kasama siyang tatlong anak na lalaki. Ang lupang-panirahan ng nasabing tatlong anak niya ay unti-unting naging nayon ng Upper Rong, nayon ng Middle Rong at nayon ng Lower Rong. Noong mga kalagitnaan ng 19 siglo, napakaunlad na ng palibot ng Rongxiang at hanggang noong unang dako ng ika-20 siglo, opisyal na naitatag ang bayang Rongxiang."

Hanggang sa kasalukuyan, napanatili ng Rongxiang ang isang may mga 380 metrong habang matandang lansangan na may 157 kontemporaryo at lokal na estilong arkitektura.

Pagyapak sa matandang lansangan ng Rongxiang, parang bumalik kayo sa noong isang siglo. Makitid na daan, lumang pinto at gusali, ganap na idinidispley sa iyong harap ang matanda at orihinal na itsura ng matandang lansangan ng Rongxiang. Nitong ilang daang taon na ang nakararaan, hindi nabago nang malaki ang arkitektura ng lansangang ito, napanatili sa kabuuan ang kanilang dating ayos ng mga bahay sa magkabilang panig ng lansangan, ang pagkawala nito ay ang dating masigla at masaganang tanawin.

Isinalaysay ni Rong Yaoxiang, isang retiradong gurong lokal na sa pinakamasaganang panahon, may halos 100 tindahan sa lansangang ito at naging isang sentrong komersyal sa palibot nitong mga ilampung kilometrong kuwadrado.

"Ang bawat pamilya ay isang tindahan. Halimbawa, kahit hindi mahaba ang lansangang Rongxiang, may 3 o 4 na barberya. Dito ay dating isang maliit na restawran na nagbili ng agahan. Iyan ay isang tindahan ng hardware noon. Iyon ay isang parmasya. Puro lahat ng sari-saring tindahan, bawat pamilya ay isang tindahan."