• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-01-23 16:36:03    
Nayon ng Zhuge Bagua

CRI
Si Zhuge Liang (180-234) ay punong ministro ng Kahariang Shu noong panahon ng Three Kingdom Period (220-280). Ang kanyang maalamat na kagitingan bilang estratehistang militar at pantas ay nakatala sa klasikong nobelang Tsino Ang Romansa ng Tatlong Kaharian, na sa Tsina ay binabasa ng mga bata at matatanda. Noong Ming Dynastay (1368-1644) at Qing Dynastay (1844-1911), ang mga inapo ng naturang dakilang estratehista ay nagtayo ng Zhuge Bagua Village sa kabundukan ng Lanxi, Lalawigang Zhejiang, sa karangalan ng kanilang pinagpipitagang ninuno. Natatangi ito dahil sa kayarian nito, na kahawig ng Bagua, o Eighet Trigrams Formation.

Kaya, ito'y isang buhay na relikyang pangkultura, na nakatirik pa rin hanggang ngayon sa orehinal na tirahan at 18 bulwagan, pader at pangunahing kalyehon. Ang Dagong Hall, na itinayo may 600 taon na ang nakaraan, ay siyang tanging Zhuge Liang Memorial sa katimugan ng Tsina, at ang Prime Minister Memorial, na itinayo may 400 taon na ang nakalipas, ay siyang pangunahing ancestral temple ng Angkang Zhuge.

Sa katunayan, si Zhuge Liang ay isinilang sa Yinan, Lalawigang Shantong. Lumisan ng Shantong noong ika-10 siglo ang kanyang ika-134 na henerasyong inapo upang humawak ng katungkulan sa Shouchang Country (kasalukuyang Jiande City) sa lalawigang Zhejiang at dito siya namirmihan. Noong 1340, si Zhuge Dashi, ang ika-27 henerasyong apo ni Zhuge Liang ,at dalubahasa sa geomancer at arkitekto, ay lumipat at namirmihan sa kinaroroonan ngayon ng Zhuge Bagua. Siya ang nagsurbey sa lugar at nagplano ng pagtatayo ng nayon.

Ang nayon ay may tatlong kahanga-hangang katangian. Una sa lahat, ang karamihan sa mga taganayong naninirahan sa Zhuge Bagua Village ngayon ay bumubuo ng buong sangkapat ng natitiriang 16,000 inapo ng ika-46 hanggang ika-55 henerasyon ni Zhuge Liang noong 1993. sa 5,000 residente na may 1,200 tahanan, ang 80% ay kabilang sa angkang Zhuge.