![]( /mmsource/images/2008/02/01/braisedpepper1.jpg)
Mga sangkap
500 gramo ng green peppers 300 gramo ng salad oil 15 gramo ng soy sauce 5 gramo ng asukal 1 gramo ng asin 1 gramo ng vetsin 5 gramo ng sesame oil 50 gramo ng clear stock 5 gramo ng shaoxing wine
Paraan ng pagluluto
Linisin ang green peppers, alisin ang mga buto doon mismo sa core at samantalang pinananatiling buo ang mga ito.
Initin ang salad oil sa kawali sa temperaturang 150 degree centigrade, ilagay ang green peppers, igisa hanggang maging light green, alisin at patuluin.
Mag-iwan ng 30 gramo ng langis sa kawali at initin. Tapos ihulog ang green peppers, toyo, shaoxing wine, asukal, clear stock, at asin bago pakuluin.
Bawasan ang apoy at ilaga sa loob ng tatlong minuto. Tapos dagdagan uli ang apoy para lumapot ang sauce. Lagyan ng vetsin at sesame oil. Isalin sa plato at isilbi.
|