• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-01-25 19:31:19    
Disenyo ng damit na gagamitin sa Beijing Olympic Games, isinapubliko

CRI

Sa tingin ni Cao Shichao, sa pormal na okasyon sa nangakaraang Olympic Games, nagsuot ng damit na estilong kanluranin ang delegasyong Tsino, kung ihahambing sa delegasyon ng Mehiko at iba pang delegasyong nagsuot ng damit na may katutubong katangian, maliwanag na kulang ng katutubong katangian ang damit ng delegasyong Tsino.

Samantalang ang damit na estilong Han, ang kasuutang Tsino, ang Chinese tunic suit at ang cheongsam at iba pang tradisyonal damit Tsino ay hindi praktikal o kaya'y lipas na sa panahon ang estilo, hindi ganap na naitatampok ang estilo at katangian ng mga Tsino sa kasalukuyang panahon. Kaya dapat itakwil ang luma para mapalitan ng bago sa pagdesenyo ng damit panseremonya ng delegasyong pampalakasan ng Tsina sa 2008 Bejing Olympic Games.

"Hindi kailangang tingnan ang tatak ay nalalaman nang gawa sa Tsina. Ito ang talagang repleksyon ng katangian at diwa ng mga Tsino sa kasalukuyang panahon."

Ang kilalang empresa ng mga damit ng Tsina, ang Hengyuanxiang Group ang siyang komersyanteng taga-isponsor ng Beijing Olympic Games at siya ring nagdedesenyo ng mga damit panseremonya ng delegasyong pampalakasan ng Tsina sa Plympic Games.

Ipinalalagay din ni Liu Ruiqi, chairman ng naturang group na umuunlad ang Tsina, kaya dapat magkaroon ng lalong maraming bagong elemento na maisasanib sa pagdesenyo ng mga damit na panseremonya para sa Olympic Games. Sa pagdesenyo ng damit panseremonya sa Olympic Games, sinusunod niya ang elementong pangkasaysayan ng Tsina at ang katalinuhan sa kasalukuyan at konsepto sa hinharap ng Tsina.

"Kaya sa pamamagitan ng pagdesenyong ito'y gusto naming ipakita ang tunay na diwa't katangian ng mga Tsino. Sa pagdesenyo ng damit na ito, sa katunayan ay gusto naming maipakita ang diwa't katangian ng mga Tsino sa kasalukuyang panahon. Ito'y isang pinakamalaking idea."

May kanya-kanyang palagay ang maraming tauhan sa propesyong ito tungkol sa pagdesenyo ng mga damit panseremonya sa Olympic Games sa Tsina. Pero nagkaisa ng palagay na tiyak na ibabatay sa elemento ng Tsina at batay dito'y maggagalugad ng bagong likha. Sa papaanuman, ang tradisyonal na katangiang kultural ng sariling nasyon ang siyang ubod ng gayak sa damit.