Pagpasok sa xiaoqikong scenic area, makikita mo ang dakilang grupo ng bundok, malalabay na primitibong gubat, berdeng maliit na ilog at lawa. Ang lagaslas ng tubig, huni ng mga ibon ay bumuo ng malambing na simponiya ng gubat. Ganito ang koment ni Gng. Li, isang turista galing sa Beijing:
Gustong gusto ko iyong gubat sa itaas ng tubig, kay tigas ng mga punong-kahoy na nagkakaugat sa bato at maganda-ganda. Namamasyal kami sa itaas ng tubig, talagang kawili-wili.
Ang nabanggit na gubat sa itaas ng tubig ay isa sa mga kilala-kilalang scenic spot ng Xiaoqikong scenic area. Kung titingnan mula sa malayo, parang lumulutang ang isang malalabay na primitibong gubat sa ilog, nang lapitan mo ito, saka nalalaman na mga punong-kahoy pala ang nakakatirik sa mga bato sa ilog. Ito ang pinakakatangi-tanging tanawin ng karsts forest. Sa mabatong rehiyon ng karst, hindi itinatakwil ng mga puno ang pagkakataon ng paglaki dahil sa katigangan ng lupa, humahanap ng nutrisyon sa mga bitak ng mga bato, nag-uunat ang mga ugat sa palibot sa lahat ng direksyon at pagkaraan ng ilang daang taon na pagtubo, sa bandang huli'y, bumuo ng katuwa-tuwang tanawin na tumububo ang punong kahoy sa bato.
Noong isang taon, ang aytem ng karst ng timog Tsina na iniaplay ng bayang Libo ay inilakip sa listahan ng world natural heritage, ipinahayag ng pamahalaan ng bayang libo na ayon sa kahilingan ng pulong ng world heritage, ibayo pang palalakasin ang pangangalaga sa purok ng natural heritage. Sinabi ni G.Wang Zhenjing, opisyal ng bayang Libo na:
Ang matagumpay na paglakip ng aming aytem ng karst sa listahan ng world heritage ay nagdulot ng presyur, ito rin ay isang hamon para sa amin. Dahil may isang kondisyon sa pag-aaplay ng world heritage, alalong bagay, dapat mapangalagaan ang yaman alinsunod ng kahilingan nito, sa susunod na yugto, palalakasin natin ang pangangalaga.
|