• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-01-28 19:57:36    
Masayang pamumuuhay ng isang lalaking Indiano sa Tsina

CRI
Si Chaudhari Dilip Giridhar ay isang lalaking Indian na namumuhay sa lunsod Taiyuan ng lalawigang Shanxi ng Tsina at ininibig nang malalim niya ang kaniyang pamumuhay doon. Nitong ilang taong nakalipas, siya ay hindi lamang nagtuturo ng wikang Ingles sa isang lokal na unibersidad, kundi natuto ng mahusay na Chinese Kungfu.

"Ang aking Tsinong pangalan ay Chen Ailong, dahil ang Long ay smbol ng kultura at sining ng Tsina at sumagisag ito sa aking imahen-Bruce Lee. Labis magustuhin ako sa kulturang Tsino at kay Bruce Lee, at minamahal ko ang Tsina, kaya ang Tsinong ngalan ko ay Ailong."

Katulad ng mga dayuhan, ang Chinese Kungfu Movie ay nagsisilbing inisiyal na dahilan ng pag-ibig ni Giridhar ng Tsina. Sa isang di-sinasadyang pagkakataon, nanood siya ng isang pelikula ukol sa Superstar ng Kungfu na si Bruce Lee at malalim na naakit siya.

"Nais kong malaman ang ubod ng kulturang Tsino at matuto ng tunay na Chinese Kungfu. May isang pangarap ako na pupunta sa Tsina sa hinaharap para makadama mismo ng isang tunay na Tsina."

Noong taong 2002, inanyayahan siya ng Shanxi Normal University ng Tsina para magturo ng Ingles sa Tsina at sa gayo'y matupad ang kaniyang panaginip na pumunta sa Tsina. Nang dumating siya ng Tsina, hindi siyang sanay sa pamumuhay doon, datapuwa't aktibong nilapitan siya ng kaniyang mga Tsinog kaibigan at nag-asikaso sa kaniyang pamumuhay. At dahil dito, tumitibay ang kanyang pananalig na makipagkaisa sa pamumuhay na panlipunan sa lokalidad. Upang matupad sa lalong madaling panahon ang kanyang pakay na ito, nagsimulang mag-aral siya ng wikang Tsino at buong sikap na nakikipagpalitan sa mga tao sa paligid niya sa wikang Tsino para malaman ang mas maraming Tsinong kultura.

Upang maisakatuparan ang kaniyang inisiyal na ambisyon, nagsimulang mag-aral si Giridhar ng Chinese Kungfu sa kaniyang malayang oras at ilang lunsod ng Tsina ang kaniyang binisita. Nag-aral siya ng Shaolin Kungfu sa Shaolin Temple sa bundok Songshan sa lalawigang Henan at nag-aral pa siya ng Taiji Kungfu sa lunsod Nanchang sa lalawigang Jiangxi. Noong taong 2006, nagtanghal siya ng kanyang kahusayan sa sining at Kungfu sa isang programang nakalilibang ng Beijing TV Station ng Tsina at mula noo'y naging popular na siya sa mga manonood na Tsino. Sinabi ng isang manonood na

"Lubos na naaantig ako ng programa ni Ailong. Naantig ako dahil ipinakikita ng isang dayuhan ang kanyang marubdob na pagkamahal sa Chinses Kungfu at kulturang Tsnio."