Ang Confucian Temple ay lugar na kung saan ginugunita noon si educationalist Confucius ng mga mamamayang Tsino at nagtipon-tipon ang mga iskolar sa sinaunang panahon. Ngayon, dadalhin kita sa Confucian Temple ng Zhengzhou ng lalawigang Henan sa dakong gitna ng Tsina.
Ang Zhengzhou, kapisera ng lalawigang Henan, ay may mahigit 8000 taong kasaysayan at isa sa mga pinakamaagang purok-panirahan ng nasyong Tsino. Ang Confucian Temple ay nasa sinaunang lunsod na ito.
Pagpasok sa Confucian Temple, ang unang sumasalubong sa inyo ay ang pangunahing bulwagang Dachengdian, ito ang tanging sinaunang arkitektura na naiwan pagkaraan ng maraming sunog at rekonstruksyon sa Zhengzhou Confucian Temple. Nasaksihan ang kasaysayan nito ng isang ilang daang taong gulang na matandang almond-tree sa labas ng bulwagan. Ganitong salaysay ni Gng. Song Xiulan, pirmihang direktor ng samahan ng Pangangalaga sa Confucian Temple ng Tsina na:
"Sinimulang itatag ang Zhengzhou Confucian Temple sa donghan Danasty, mahigit 1900 taong na ang nakararaan. Malawak ang saklaw nito sa panahong iyan na umabot sa 37 mu, halos 2.5 hektarya. Ito ay pinakamalaking Confucian Temple sa buong bansa na pumangalawa lamang sa Confucian Temple sa Qufu sa lalawigang Shangdong, lupang-tinubuan ni Confucius. Nasira ang Zhengzhou Confucian Temple sa sunog sa Yuan Dynasty at itinayo muli pagkatapos alinsunod ng dating itsura nito. Dahil, ito ay kahoy na estruktura, kaya, nasira ito sa sunog minsan sa Ming at Qing Dynastay. Hanggang sa pagkakatatag ng bagong Tsina, hindi na kasinglaki ito ng sinaunang saklaw."
Nakaharap ang bulwagang Dachengdian sa timog. Sa magkabilang panig ng pinakamataas na palupo ng bulwagan ay may dalawang 2 metrong taas na dekorasyon ng ulo ng dragon. Ipinalalagay ng mga mamamayang Tsino na ang dragon ay bathala na namamahala sa pag-uulan, ang pagkabit ng dalawang dekorasyon ng ulo ng dragon sa palupo ay makakabuti sa paninira ng sunog sa bulwagan.
|