• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-01-31 20:43:47    
Maligayang Pasko, Narito si Santa Claus, Chen Lin

CRI
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika. Ngayong araw ipinagdiriwang natin ang Feast of the Epiphany. Ngayon ang huling araw ng Yuletide ayon sa Catholic calendar. Merry Christmas, Happy New Year at Happy Three Kings!

Mula sa album na pinamagatang "Maligayang Pasko", iyan ang "Narito si Santa Claus" na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Chen Lin.

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.

Sabi ni Malou Tiu ng Dasmarinas Village, Makati: "Hindi naman tayo talagang inalat nitong nakaraang taon pero sana sa 2008 e talagang 100 percent na lucky na tayo para makahinga naman tayo nang mas maluwag. Okay naman tayo basta wala lang malaking trouble at huwag lang magkakasakit. Naku, lalo na itong pagkakasakit, bawal na bawal ito. Let's just hope for the best at iwaksi natin sa isip ang pessimism. Nakakasira ito ng deskarte."

Thank you, Malou. Merry Christmas and Happy New Year!

Narinig naman ninyo ang magandang tinig ni Jose Mari Chan sa kaniyang sariling komposisyong pinamagatang "Christmas in Our Hearts" na lifted sa album na may katulad na pamagat.

Sabi ng 910 340 8695: "Happy New Year at Happy Three Kings sa inyo at sa lahat ng masugid na tagasubaybay ng Gabi ng Musika. Peace be with you!"

Salamat at ganun din sa iyo!

Sexbomb Girls sa awiting "Wish Ko sa Pasko" na buhat sa album na may katulad na pamagat.

Merong email si Jane ng Riyadh, Saudi Arabia. Sabi niya: "Bigyan niyo naman kami ng bagong gimik this year. Mas exciting kasi ang pakikinig kung merong mga gimik. Siyempre hinahanap-hanap ng mga tagapakinig ang magagandang premyo ninyo sa kanila. Marami na akong nakuhang ganitong premyo noon! Sana suwertehin din ako this New Year para makapunta ako sa Beijing at makapanood ng Olympic Games."

Thank you, Jane. Kumusta ba ang New Year natin diyan sa Riyadh?

Iyan naman ang isa sa mga ipinagmamalaki nating mang-aawit, Freddie Aguilar, sa kaniyang awiting "Sa Paskong Darating" na lifted sa album na may katulad na pamagat.

Sabi ng 919 257 8451: "Happy Three Kings, Kuya Ramon. Sana, araw-araw, Christmas lagi sa CRI!

Thank you. Happy Three Kings din sa iyo!

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating munting pagtatanghal ngayong gabi. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong pakikinig at muli, Maligayang Pasko, Manigong Bagong Taon at Maligayang Araw ng Tatlong Hari!