• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-02-11 19:05:40    
Langfang, pinasusulong ang koordinadong kaunlaran ng lunsod at nayon

CRI

Ang Langfang ay isang bagong lunsod sa pagitan ng Beijing at Tientsin. Mula noong 2005, naglalaan ang Langfang ng mas malaking pondong pampubliko sa kanayunan para malutas ang mga isyu ng tubig, pagpapagamot, seguridad na panlipunan at iba pa at sa gayo'y pinasulong na ang koordinadong kaunlaran ng lunsod at nayon.

Mula noong tag-sibol ng taong 2006, nagsimulang uminom ng tap water ang 98 tahanan ng taga-nayon ng Dong Desheng ng District ng Anci ng Langfang. Nauna rito, ang tubig na iniinom ng mga Taga-Dong Desheng ay galing sa kanilang balong. Di ligtas ang tubig at madaling nagbubunga sa Osteoporosis. Noong katapusan ng 2005, para maigarantiyang inumin ng mga magsasaka ang de kalidad na tubig, naglaan ang pamahalaan ng Langfang ng mahigit 70 milyong Yuan RMB na pondo at sa gayo'y nalutas ang isyu ng tubig-inumin ng 210 libong taga-nayon sa 256 na nayon. Sinabi ni Liu Zhongxiang, Puno ng Water Authority ng Anci ng Langfang na:

"Naglunsad kami ng isang 100 araw na kampanya ng paghukay ng balong para malutas ang isyu ng tubig-inumin. Sa kasalukuyan, nalutas na ang iyung ito. Noong Oktubre ng nakaraang taon, itinatag din naming ang planta ng pamustos ng tubig para makapagtustos ng tubig sa ilang nayon."

Noong unang dako ng 2005, para lutasin ang isyung mahirap at mahal ang pagpapagamot ng mga mahihirap, nagsimula ang Langfang ng bagong kooperatibong serbisyong medikal ng nayon at isinabalikat nito ang ilang proporsiyon ng gastos sa pagpapagamot ng mga taga-nayon at lubos na itong kinagigiliwan. Sinabi ni Zhang Jinhui, isang taga-nayon, na:

"ang bagong kooperatibong serbisyong medikal ay hindi lamang nalutas ang isyu naming mahirap sa pagpapagamot, isinabalikat pa nito ang aming gastos sa pagpapagamot at hindi na nahihirapan na kami sa pagpapagamot."

Sa pagsasagawa ng naturang serbisyo, tiniyak ng Langfang ang mga hospital na sa iba't ibang antas at isinagawa ang iba't ibang patakaran ng pagbabawas o pagtanggal ng bayad sa pagpapagamot ng mga mahihirap, samantala, ang kanilang nagugol ay maaaring isauli sa anumang sandali.