Pinalalakas ng Langfang ang pagtatatag ng sentro ng kalusugan ng mga nayon. Naglaan sa kabuuan ang buong lunsod ng 60 milyong Yuan RMB na pondo para itatag at kumpunihin ang 38 sentro ng kalusugan at dahil dito, lalo pang tumaas ang pamantayan ng serbisyong medikal. Sinabi ni Gao Yu, Puno ng Health Bureau ng Langfang, na:
"hanggang noong katapusan ng Hunyo ng 2007, mahigit 80% ng populasyon ng lunsod ang sumailalim sa bagong kooperatibong serbisyong medikal at ang lahat ng mga mahihirap ay lumahok dito."
Nang kapanayamin si Wang Aimin, alkalde ng Langfang, sinabi niyang lubos na pinahahalagahan ng kanyang pamahalaan ang pagtatatag ng mekanismo at sistema hinggil sa isyu ng pamumuhay ng mga magsasaka. At magkakagayon lamang saka mapananatili ng pamahalaan ang mga patakarang makakabuti sa mga residente. Sinabi niyang:
"Ang aming patakaran ay maigarantiya ang pamumuhay ng mga mamamayan, pagpasok sa paaralan at pagtatanggap ng edukasyon ng mga bata, pagkakaroon ng ligtas na tubig at pagpapagamot ng mga taganayon."
Sinabi pa ni G. Wang na ang layunin ng Langfang ay magpasulong ng maayos na koordinadong pag-unlad ng lunsod at nayon.
|