• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-02-14 19:58:51    
Pamumuhay ng mga mangingisda sa atip ng daigdig

CRI
Ang kaugalian ng mga mamamayang Tibetano na hindi kumain ng isda ay pangunahin na, naapektuhan ng kultura ng Budismo. Itinuturing ng mga mamamayang Tibetano ang mga lawa sa Tibet na sagradong lawa. Ang pagliligo o pangingisda sa lawa ay lumalapastangan sa sagradong lawa. At, bakit tanging mga taga-junba ang may ganitong tradisyon? sa alamat na lokal, ang pangingisda at pagkain ng isda ng mga taga-junba ay pinayagan ng Diyos. Isinalaysay ni Suonan, dating direktor ng lupon ng nayon ng junba sa amin ang mga mahiwagang alamat lokal:

"Kay bilis ng pagpaparami ng mga isda dito, hindi magkasiya ang ilog ng gayong daming isda, kaya, maraming isda ang nagkakapakpak at lumilipad palangit para mahanap ang espasyo ng pamumuhay. Dumarami nang dumarami ang mga isda sa langit at gayong karami nila't tinatakpan ang araw at buwan, sinimulang naghihingalo ang mga iba't ibang uri ng mga bagay na may buhay sa lupa dahil sa kakulangan ng sikat ng araw at buwan. Nakita ng Diyos ang ganitong kalagayan at sinabi sa mga taga-junba na humuli at kumain ng isda at patatawarin ang kanilang kasalanan. At dahil dito, binubuhay muli ng mga bagay na may buhay ang kanilang kasiglahan at isinalin hanggang ngayon ang pangingisda at pagkain ng isda ng mga taga-junba."

Dahil nasa hugpungan ng ilog na Yarlung Zangbo at Lhasa ang nayong Junba, sagana nito sa yaman ng isda at masarap-sarap ang mga isda. Dahil kumain ng isda sa mahabang panahon, nilikha ng mga taga-junba ang maraming paraan ng pagluluto ng isda. Kung pumarito ang mga turista, hindi lamang makakatikim ng mga tradisyonal na pagkain ng mga mamamayang Tibetanong gaya ng Suyoucha at Zanba, kundi ng iba't ibang ulam ng isda. Isinalaysay ni Bazhu, direktor ng lupon ng nayong junba na:

"Marami ang ating paraan sa pagkain ng isda, may ilampu. Sa karaniwan, ang pagprito, pagsingaw at paglalaga ang pinakakaraniwang paraan."