• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-02-18 19:57:30    
Ang kuwento sa taon ng daga

CRI
Halos lahat ng mga mamamayang Tsino ngayon ang nakakalubog sa masasayang atmospera ng Spring Festival, isang pinakamahalagang tradisyonal na pista ng Tsina. Ayon sa Lunar Calendar at mga alamat ng Tsina, ang kasalukuyang taon ay taon ng daga sa lunar calender.

Si Ginoong Zhang Siyuan na nakatira sa Beijing ay sasalubong sa kanyang 60 taong gulang pagkaraan ng ilang araw nang pumasok sa taon ng daga ayon sa lunar calender. Isinilang siya noong 1948 na taon ng daga. Nang nabanggit ang hinggil sa paglipas ng Spring Festival noong bata pa siya, sariwa pa rin ang alaala niya.

"Nakatira ako sa nayon noong panahong iyon, at sa alaala ko, masiglang-masigla ang atmosperang pampista ng Spring Festival sa kanayunan. Nang pumasok sa Disyembre sa lunar calendar, ang bawat pamilya ay nagsimula nang maghanda ng mga bagay-bagay para sa Spring Festival: iba't ibang uri ng pagkain. Tsak, ang sarap."

Noong taong 1960, 11 taon lamang ang pagkakatatag ng People's Republic of China, inisiyal na bumati ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsinao at ang nabanggit na mga pagkain ay mga espesyal na inihanda lamang para sa Spring Festival. Datapuwa't para sa mga bata, ang pinakagusto nila ay manood ng palabas sa labas at magpaputok ng rebentador at kuwitis. Sinabi ni Zhang na

"Noong panahong iyon, bawat nayon ay idinaos na kani-kanilang tradisyonal na palabas na gaya ng walk on stilts, pagsasayaw ng "land boat" dance, lion dance. Datapuwa't sa ganang akin, ang pinakakawili-wili ay ang pagpapaputok ng rebentador, lalo na sa gabi ng New Year's Eve. Kay lakas ng ingay ng rebentador, talagang nakabibingi."

Si Ginang Li Yanjin ay isinilang sa Tianjin, lunsod ng dakong hilaga ng Tsina, noong taong 1972, taon ng daga rin. Simple ang kaniyang alaala hinggil sa Spring Festival nang bata pa siya: iba't ibang uri ng mga masarap na pagkain. Noong unang dako ng 1980's, kakaunting pamilya lamang sa Tsina ay nagkaroon ng color TV at ang bagay na hindi niya nakakalimutan ay kauna-unahang panonood niya sa color TV ng 1984 Spring Festival Gala Evening na isinahimpapawid ng China Center Television o CCTV, pambansang television station. Sinabi niya na

"Bumili ang aking pamilya ng isang color TV noong 1984, kaya sa New Year's Eve, may darating maraming tao sa aming tahanan para manood ng Spring Festival Gala Evening."