Kapag papalapit na ang spring festival, ang pelikulang pambati sa bagong taon ay nagiging mainit na temang pinag-uusapan ang mga tao. Ang katangian ng mga ganitong pelikula sa taong ito ay: malaki ang bilang at mayaman ang tema at nilalaman. Sa programang "Kultura ng Tsina" ngayong gabi, isasalaysay ko sa inyo ang kuwento hinggil dito.
Nagsimula ang pelikulang pambati sa bagong taon ng Tsina mula sa "the Dream of Factory" na ginawa ni Direktor Feng Xiaogang na 10 taon na ang nakararaan. Mula 1997 hanggang ngayon, ginawa ni Feng ang isang serye ng katawa-tawa pelikulang pambati sa spring festival tulad ng "Top-Notch", "Cell Phone", "A World Without Thieves" at iba pa. Mula roon, tinatawag na ang mga pelikulang ginawa na espesyal na para sa pamilihan ng bagong taon na pelikulang pambati sa bagong taon.
Sa kasalukuyang taon, ang pelikulang "Assembly" ni Feng ay hindi comedy. Ipinakikita ng pelikula ang dignidad ng tao sa larangan ng mga malupit na digmaan. Kahanga-hanga at nakakabagbag sa puso ang mga tagpo ng pelikula. Pinapurihan ito ni G. Chen Shan, propesor ng Beijing Film Academy, na:
"Mapanlikha ang 'Assembly' ni Feng. Mayroon ito ng saklaw ng malaking pelikula sa daigdig at samantala, malalim ang paggagalugad ng pilisopiya ng pamumuhay. Pinagsama ni Feng ang mga ito. Matagumpay ang pelikulang ito."
Ang "Blood Brothers" ay isa pang pelikulang pambati sa bagong taon ni Direktor Chen Kexin ng Hong Kong. Isinalaysay nito ang isang kuwento ng tatlong blood brother na naging magkakaaway sa wakas. Sinabi ni Chen na:
"Kahanga-hanga ang mga tagpo ng pelikula nito at may mga star actor ang gumanap ng papel, kaya sa palagay ko, ito ay angkop sa mga Tsino. Romantiko ang pelikulang ito at aktuwal din. Ikinuwento nito ang pagkasira ng pagkakaibigan ng tatlong kapatid."
|