• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-02-19 15:00:45    
Pamumuhay ng mga mamamayang Tsino sa panahon ng Spring Festival

CRI
Katulad nina Ginoong Zhang at Li, ang 24 taong gulang na si Ginang Pu Yi'an ay isinilang din sa isang taon ng daga. Taga-Suzhou siya at nagtatrabaho sa Beijing. Ang Suzhou ay isang lunaod sa lalawigang Jiangsu ng Timog Tsina. Para sa kaniya, ang pinakamahalagang bagay ngayon ay umuwi sa kanyang lupang tinubuan para makisama sa kanyang pamilya sa pagdiriwang ng Spring Festival. Sinabi niya na

"Siyempre, gustong-gusto kong umuwi para ipagdiwang ang Spring Festival. Isang taon na ang paglipas ko sa ibang lugarsa trabaho at napakahirap ng pagbibili ng ticket sapanahon ngSpring Festival. Kaya bumuli ako ng ticket nang mas maaga noong Disyembre."

Sinabi pa ni Pu na nakahandang pumunta sa restawran para sa New Year's Eve dinner. Naging uso na ngayon ang paglipas ng New Year's Eve sa restawran. Katulad ni Pu, ang pamilya ni Ginoong Zhang ay nagpasiya ring maghapunan sa restawran sa New Year's Eve. sinabi ni Zhang na

"Abalang-abala kami lahat noong isang taon at wala tayong oras para sa Spring Festival salu-salo. Kaya doon sa restawran kami para sa News Year's Eve. Sa pagkakataong ito, maglelelaks tayo't maghuhuntahan sa restawran hinggil sa mga bagay-bagay na naganap noong isang taon at sa prospect ng bagong taon. Kawili-wili talaga."

Ang kasalukuyang taon ang taon ng daga at taon ng Opimpiyada, ang kahanga-hangang Olimpiyada ay idaraos sa Agusto sa Beijing, sinabi ni Pu na ang kanyang pinakamarubdob na hangarin ay manonood, kasama ng kaniyang mga magulang, ng iba't ibang paligsahan ng Olimpiyada sa Beijing.