• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-02-20 20:05:28    
Jasmine Restaurant at among dayuhan nito

CRI
Sa lunsod ng Jinan, kabisera ng lalawigang Shandong sa dakong silangan ng Tsina, may isang komunidad ng nasyonalidad na Hui, ang tanging restaurang Indyan sa Jinan ay nasa rito. Ngayon, papasok kami sa restaurang itong tinatawag na Jasmine at makakaranas ng unikong kaugaliang dayuhan doon at bibisita sa dalawang amo nito--sina Shadi Abu Zarqa, galing sa Palestina at Naveed Asghar, galing sa Pakistan.

Pagpasok sa restaurang Jasmine, parang dumating kayo sa matanda at mahiwagang India. Kumakalat sa palibot ang amoy ng insensong Indyan at curry sa ulam, magagandang larawan ng tanawin ng Pakistan at India at postcard sa lahat ng pader, nagsasayaw na babaeng Indyan sa telebisyon, ang kaibig-ibig na waiter na nakakasuutang pangnasyonnalidad at ingay ng mga nag-uusap na bisita sa iba't ibang wika.

Sa restauran, kinausap ng mamamahayag si Shadi Abu Zarqa, isang matangkad at guwapong lalaki, siya ay malapit na kaibigan ng kasalukuyang amo ng restaurang Jasmine at dating amo ng restaurang ito. Nang mabanggit ang kanyang intensyon noon ng pagpapatakbo ng restauran, sinabi niyang:

"Maraming kaibigan ko ay Indyan at Pakistani, hindi sanay sila sa pagkain ng Tsina, kaya, binuksan ko ang restaurang ito at ang resipe ng Indyan ay nagtatampok dito."

Nag-aaral ngayon si Shadi sa Shandong University, mahigit 4 taong nakalipas, nang dumating siya sa Tsina, hindi sanay siya sa ulam na Tsino, kaya, binuksan niya ang nasabing restauran. Sa kasalukuyan, hindi lamang mga kaibigang Indyan at Pakistani, kundi maraming bisita ng iba pang bansa ang pumarito.

Pero, nang magkatagal siya sa Jinan, unti-unting nagkakagusto si Shadi ng ulam na Tsino, at higit pa, nabighani siya ng sinaunang kulturang Tsino. Sinabi niya:

"Nagkahilig ako sa kulturang Tsino, pumarito ako sa Tsina para lamang pag-aralan ang kultura at kabuhayan ng Tsina. Kararating sa Tsina, ako'y binigyan ng mga kaibigan ng maraming tulong. Minamahal ko ang Tsina, dahil ang Tsina ay pinakamabuti."