• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-02-20 20:13:55    
Sopas ng palikpik ng pating

CRI

Mga sangkap

600 gramo ng pinatuyong shark's fin
2 tasa ng laman ng alimango
1 tasa ng spring onion, tinadtad
1 at 1/2 kutsara ng Chinese wine
1 tasa ng Chicken broth
1 kutsarita ng sesame oil
1 kutsarita ng black pepper, durog
1 at 1/2 kutsarita ng asin
Itlog, binate
1/4 na tasa ng tubig
1 tasa ng corn flour na tinunaw sa 1/4 na tasa ng tubig
Black vinegar, kasabay ng soup pag-inihain ito

Paraan ng pagluluto

Hugasan ang shark's fin at ibabad sa tubig na malamig sa loob ng 14 na oras. Patuluin at pakuluan sa malinis na tubig.

Bawasan ang apoy at ilaga sa loob ng 40 minuto. Alisin sa tubig at itabi muna. Pakuluin ang sabaw ng manok at ihulog ang shark's fin at laman ng alimango tapos lagyan ng Chinese wine at sesame oil. Ilaga sa loob ng 10 minuto.

Lagyan ng asin at paminta. Isunod ang corn flour at pakuluin hanggang sa lumapot ang soup. Paghaluin ang binating itlog at tubig. Ibuhos nang dahan-dahan sa soup habang ang soup na ito ay hinahalo nang tuluy-tuloy.

Alisin sa apoy. Isilbi kasabay ang black vinegar at tinadtad na spring onions.