• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-02-21 16:30:28    
Isang restaurang Indyano sa Lunsod ng Jinan

CRI
Kalahating taong nakalipas, inilipat niya ang pagmamay-ari ng restauran sa kanyang kaibigang Pakistani na si Naveed Asghar. Ang Pakistan at India ay kapitbansa at halos may kapareho ang kanilang kaugalian sa pagkain. Kaya, ang pagpapatakbo ng restaurang may estilong Indyan ay madali kay Naveed. Sinabi niya:

"Sa Jinan, wala iba pang lugar para makatikim ng ulam ng India at Pakistan, pero, ang ganitong uri ng restaurant ay matatagpuan sa maraming lugar sa Beijing at Shanghai, Guangzhou, Yiwu at iba pang lunsod ng Tsina. Maraming dayuhan rin dito sa Jinan at gusto rin nilang tikman ang ulam ng Indya at Pakistan."

Sa ganang mga taong galing sa bansang dayuhan, ang pagkakatikim ng mga ulam na may estilo ng lupang-tinubuan ay isang napakagandang pangyayari. Sinabi ni Mohamad Yousaf, isang pakistaning estudyante sa Shandong University na ang pamumuhay niya sa Jinan ay parang namumuhay siya sa sarili niyang pamiliya: kinaibigan ang mga mamamayang Tsino, kumakain ng ulam ng Tsino, kung maaala-ala ang lupang-tinubuan, diyan sa Jasmine Restaurant ang pinuntahan niya. Sinabi niyang:

"Ang pamumuhay sa Jinan ay napakaginhawa, walang anumang kahirapan. Mabait at mapagkaibigan ang mga taga-Jinan. Nagiging maginhawa-ginhawa ang pamumuhay dito, kung may pagkakataong mag-istay sa Tsina, tiyak na mamumuhay dito ako."