• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-02-21 18:49:40    
Beijing, buong-sikap na igagarantiya ang kaligtasan ng mga pagkain sa Olimpiyada

CRI

Ang isyu ng kaligtasan ng pagkain sa panahon ng gaganaping Olimpiyada ay nakatawag ng pansin ng iba't ibang panig. Bilang tugon, solemnang ipinangako ngayong araw ng mga opisyal mula sa Pamahalaang Munisipal ng Beijing at sa Lupong Tagapag-organisa ng Beijing para sa gaganaping Olimpiyada o BOCOG na magpupunyagi sila para maigarantiya ang kaligtasan ng pagkain.

Sapul nang magwagi ang Beijing bilang punong-abala sa gaganaping Olimpiyada noong taong 2001, nagsimulang maghanda ito para sa pagtataguyod ng pinakamaringal na paligsahang pampalakasan sa daigdig at sa mula't mula pa, ipinauna na nito ang kaligtasan ng pagkain. Noong taong 2005, nagsimulang pairalin ng Beijing ang Plano ng Aksyon hinggil sa Kaligtasan ng Pagkain sa Olimpiyada at sa pamamagitan ng 3 taong pag-unlad, naitatag na ang mabisang sistema ng pagsusuperbisa at pangangasiwa sa kaligtasan ng pagkain. Kaugnay nito, ganito ang salaysay ni Gng. Tang Yunhua, Tagapagsalita mula sa Tanggapan ng Bejing sa Kaligtasan ng Pagkain.

"Sa ilalim ng sistemang ito, napapasailalim sa aming superbisyon at pangangasiwa ang mga base ng pag-aalaga ng mga alagaing hayop kaugnay ng mga pagkain, gamot at kuwarantina ng hayop at nang sa gayon, maiigaraniya ang kawalang-panganib ng mga karne na isusuplay para sa gaganaping Olimpiks."

Sinabi pa ng opisyal mula sa Beijing na mas mahigpit ang mga tadhada ng kasalukuyang pinaiiral na Istandard ng Kabiserang Tsino hinggil sa Kaligtasan ng Pagkain kaysa sa kinauukulang istandard ng mga bansang dayuhan. Kaugnay nito, ganito ang paliwanag ni G. Lu Yong, Direktor ng Sentro ng Beijing sa Superbisyon at Pagkontrol sa Kaligtasan ng Pagkain.

"Halimbawa, batay sa aming istandard, hindi kailangang may mga takdang natitirang gamot ang karne, pero, batay sa mga istandard ng ilang bansang dayuhan, pinahihintulutang meron."

Ayon sa mga ulat, ipinahayag ng delegasyong Amerikano ang kanilang pagkakabalisa hinggil sa kaligtasan ng pagkain sa gaganaping Olimpiyada at magdadala daw sila ng sarili nilang pagkain. Bilang tugon, sinabi ni Gng. Xiang Ping, opisyal mula sa BOCOG, na ayon sa pandaigdig na norma, bawal na bawal ang nasabing kapasiyahan ng delegasyong Amerikano. Sinabi pa niya na:

"Upang buong-higpit na maigarantiya ang kaligtasan ng pagkain sa gaganaping Olimpiyada, bawal na bawal ang naturang desisyon ng panig Amerikano dahil para sa ilang pagkain, lalung lalo na mga hilaw na karne, seafood at mga sariwang prutas at gulay, mahigpit na mahigpit ang kondisyon ng pag-iimbak ng mga ito. Walang kondisyon sa pagpepreserba ng nasabing mga pagkain ang mga dormitoryo ng mga atleta at hindi makakabuti sa kalusugan ng mga atleta kung kakain sila ng mga pagkaing hindi mahusay na pinepreserba. Magsisilbi ang punong-abala ng magkakaiba at sapat na pagkain para sa mga lalahok na atleta at umaasa kaming ang lahat ng mga atleta ay makapagtatamasa ng mga ililingkod na cuisine."