Idaraos mula ika-3 hanggang ika-5 ng susunod na buwan sa Chongqing, lunsod sa dakong timog kanluran ng Tsina, ang ika-9 na pulong ng Magkasanib na Komiteng Pangkooperasyon ng Tsina at ASEAN o CAJCC. Dadalo sa pulong na ito ang mga opisyal ng mga ministring panlabas ng Tsina at 10 bansang ASEAN at sekretaryat ng ASEAN. Ang nabanggit na komite na binuo noong 1997 ay mahalagang mekanismo ng pagkokoordinahan ng pagtutulungan ng Tsina at ASEAN. Tatalakayin sa kasalukuyang pulong, pangunahin na, ang hinggil sa pagpapahigpit ng pragmatikong kooperasyon, pagpapatupad ng mga susunod na aksyon pagkaraan ng Summit ng Tsina at ASEAN noong isang taon at pagpapasulong ng komprehensibong pagtutulungan ng dalawang panig.
Idaraos sa Nanning ng Guangxi ng Tsina mula ika-9 hanggang ika-13 ng Hunyo ng taong ito ang ika-5 porum ng Pan Pearl River Delta. Ang pangunahing paksa ng naturang porum ay "kooperasyon ng Pan Pearl River Delta at ASEAN". Umaasang mapapasulong, sa pamamagitan ng diyalogo at kooperasyon, ang kooperasyon ng iba't ibang panig ng rehiyong ito at mga bansang ASEAN sa mga larangan ng komunikasyon, enerhiya, komersyo at kalakalan, industriya, turismo at iba pa.
Nakipagtagpo noong Martes sa Beijing si ministrong panlabas Yang Jiechi ng Tsina kay Ibrahim Gambari, dumadalaw na espesyal na tagapayo ng pangkalahatang kalihim ng UN sa isyu ng Myanmar. Sinabi ni Yang na umaasa ang Tsina na isasakatuparan ng Myanmar ang demokrasiya at pag-unlad sa lalong madaling panahon. Inulit niyang kinakatigan ng Tsina ang pagsisikap ng mediyasyon ng pangkalahatang kalihim ng UN at ni Gambari. Positbong pinapurihan naman ni Gambari ang mahalagang papel ng Tsina para sa maayos na paglutas sa isyu ng Myanmar at ipinahayag niya ang kahandaang patuloy na magbigay-ambag para sa maayos na paglutas sa isyu ng Myanmar. Nauna rito, nakipagtagpo rin kay Gambari si pangalawang ministrong panlabas Wang Yi ng Tsina. Ipinahayag ni Wang na sa kasalukuyan, humuhupa ang kalagayan ng Myanmar at sumusulong ito sa positibong diraksyon. Anya, ang isyu ng Myanmar ay lulutasin lamang ng pamahalaan at mga mamamayan ng Myanmar sa pamamagitan ng diyalogo at maaring magkaloob ang komunidad ng daigdig ng konstruktibong tulong, ngunit ang pagpapataw ng presyur at sangsyon ay hindi makakatulong sa paglutas ng isyung ito. Sinabi rin niyang kinakatigan ng panig Tsino ang pagsisikap ng pangkalahatang kalihim ng UN at ni Gambari sa medyasyon. Ipinahayag naman ni Gambari na sa paunang kondisyong lubos na iginagalang ang soberanya ng Myanmar, patuloy niyang gagawin ang positibong pagsisikap para sa medyasyon sa isyu ng Myanmar.
Nakipagtagpo kamakailan sina party secretary Zhang Gaoli at alkade Huang Xingguo ng Tianjin kay Lim Chee Onn, executive chairman ng Keppel Group ng Singapore at malalimang nag-usap ang dalawang panig hinggil sa pagpapasulong ng proyekto ng Tsina at Singapore hinggil sa kontruksyon ng lunsod na ekolohikal ng Tianjin. Napag-alamang opsiyal na sinimulan noong isang taon ang proyektong ito at mahigpit nitong pinag-uugnayan ang sulong na ideya at teknolohiya ng Singapore sa pagpaplano at konstruksyon ng lunsod at aktuwal na kalagayan ng Tianjin. Ayon sa proyekto, habang itinatatag ang mga pabahay na nagtitipid sa enerhiya, mapangkaibigan sa kapaligiran at maginhawa sa kondisyon, pinauunlad ang mga modernong industriya ng serbisyo na gaya ng pananaliksik at pagdedebelop na pansiyensiya at panteknolohiya at inobasyong kultural at itinatatag din ang mga primera klaseng paaralan, ospital, parke, instalasyong pangkultura at pangkalakasan, service center ng komunidad at iba pang pasilidad na pampubliko.
|