Nang mabanggit ang Anshun, baka walang ideya ang nakararaming turista, pero, kung mabanggit ko ang Huangguoshu Waterfall, baka marami sa aming tagapakinig ang makapagbigay ng positibong sagot. Ang pinakamalaking grupo ng mga talon sa buong daigdig ay nasa lunsod ng Anshun.
Sa katunayan, ang Anshun ay isa sa mga rehiyon sa daigdig na pinagtitipunan ng karst landform. Napakarikit ng tanawin ng karst at nakikita ang mga talon, kuweba saan man dako. Bukod dito, pambihira ang katangiang kultural sa lokalidad. Sa programa ngayong araw, isasalaysay ko sa iyo ang Anshun.
Ang lunsod ng Anshun, nasa timog kanluran ng Tsina, ay isang pangunahing lunsod sa lalawigang Guizhou na sumasaklaw ng halos 10 libong kilometrong kuwadrado.
Dahil maganda ang tanawin ng karst sa lokalidad, ang Anshun ay tinatawag na pinakamagandang lugar sa kanlurang Tsina. Mahigit 70% nito ang karst landform. Sinabi ni G. Chen Haifeng, kalihim ng komite ng Anshun ng partido komunista ng Tsina na kinikilala ng maraming tao ang Guilin na napakabantog ng tanawin ng karst nito, pero, sa katunayan, ni kaunting hamak ang tanawin ng karst ng Anshun kumpara sa Guilin.
"Napakatipikal ng pagka-unlad ng karst landform ng Anshun kumpara yaon ng Guilin: marami ang kuweba at talon. Sa katunayan, ang Huangguoshu Waterfall ay nagsisilbing isang kinatawan sa mga talon. Kung papasok sa Anshun, halos makikita mo ang talon at kuweba saan man dako."
Ang Huangguoshu Waterfall, sa katunayan, ay isang malaking grupo ng talon. Ang 77.8 metrong taas at 101 metrong lapad na Huangguoshu Waterfall ay sentro ng grupong ito, at sa paligid nito ay may iba pang 18 talon na iba-iba ang laki at itsura. Ang ganitong malaking pamilya ng talon ay minarkahan ng punong himpilan ng Guinness World na pinamalaking grupo ng talon sa buong daigdig at inilakip sa Guinness World Record.
Ang Huangguoshu Waterfall ay pinakadakilang talon sa grupo ng Huangguoshu Waterfall at tanging talon sa daigdig na maaaring pagmasdan mula sa anim na anggulo: itaas, ilalim, harap, likod, kaliwa at kanan, samantala, may water curtain cave na sumasaklaw sa buong talon, maaring lumakad ang mga turista sa loob ng talon.
|