• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-02-28 17:12:16    
Mga kuweba sa Lalawigang Guizhou

CRI
Ang scenic spot ng "Dragon Palace Cave Group" na 45 kilometro ang layo mula sa Huangguoshu Waterfall ay nagkakatangi ng kuwebang pantubig, talon sa kuweba at kuweba. May dalawang pinakamahiwagang tanawin sa scenic spot: una, talon ng dragon gate. Ito ay pinakamalaking talon sa kuweba sa Tsina; ika-2, ang pinakamahabang underground river sa Tsina. Iniugnay ng nasabing 5 libong metrong habang underground river ang mahigit 30 burol at mga 90 kuweba.

Nitong ilang buwang nakalipas, isinapubliko ng pambansang kawanihan ng Turismo ng Tsina ang kauna-kunahang batch ng 66 National 5 A class scenic area, ang "five A class" ay scenic area sa pinakamataas na lebel sa sirkulo ng turismo sa Tsina, at ang Huangguoshu Waterfall at Dragon Palace Cave Group ay nasa listahang ito. sinabi ni Chen na:

"Dalawang lunsod lamang sa Tsina na may dalawa pataas na 5 A class scenic area sa kauna-kunahang batch ng national 5 A class scenic area, isa ay Beijng, na may tatlo. At isa ay Anshun, na may dalawa."

Ang lunsod ng Anshun ay hindi lamang isang lugar na may espesyal na tanawing pangkalikasan at pangkultura, kundi isang mabuting lugar para sa pagpapalakas ng katawan. maligamgam ang panahon ng Anshun, ang taunang karaniwang temperatura nito ay mga 15 degree Centigrade. Ayon sa magkasamang pagsusuri ng departamento ng pangangalaga sa kapaligiran at meteorolohiya, purong masariwa ang hangin bawat araw sa buong taon sa Anshun.