|
Idaraos sa Beijing ang unang pulong ng Ika-11 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga mamamayang Tsino, CPPCC. Ano ang papel ng CPPCC sa pampulitikal na pamumuhay ng Tsina? Papaanong makakapagbigay ang mga kagawad ng CPPCC ng ambag sa kaunlaran ng bansa?
Tulad ng dati, lumisan ng bahay ngayong umaga si Madam Yan huiying na sakay ng kotse. Pero, ang kanyang destinasyon ngayon ay hindi kompanya niya sa purok na komersyal sa kalunsuran ng Beijing, kundi sa tanggapan ng CPPCC para tanggapin ang pagsasanay bilang bagong kagawad ng CPPCC para sa paghahanda sa regular na taunang pulong ng CPPCC na idaraos sa ika-3 ng Marso. Sinabi ni Yan huiying na kaugnay ng pakikilahok sa mga suliranin ng pamahalaan, bata pa ako ay may konsepto hinggil dito. May responsibilidad kaming ipaalam sa pamahalaan ang nagkakaibang palagay tungkol sa kaunlaran ng estado at mga bagay na pinapansin ng mga mamamayan, at sa gayo'y maaaring paglingkuran ang mga mamamayan.
Ang CPPCC ay ang makabuluhang organo sa pagsasagawa ng multi-partido kooperasyon at konsultasyong pulitikal na pinamumunuan ng CPC, Partido Kumunista ng Tsina at gumaganap ito ng di-mapapalitang papel sa pamumuhay na pampulitka ng Tsina. Itinatag ng CPPCC ang pambansang lupon at mga lupong lokal. Ang gagawing regular na taunang pulong ay ang pinakamataas na paraan sa konsultasyong pulitikal. Magtitipon sa Beijing ang mga kagawad na galing sa 34 na sektor na kinabibilangan ng CPC, mga partidong demokratiko, mga personaheng walang partidong kinasasapian, Espesyal na Rehiyong Administratibo ng HongKong at Macaw at iba pa para talakayin ang mga suliraning pang-estado.
Ang paraan ng paghalal ng mga kagawad ng CPPCC ay batay sa pagsasanggunian at pagrerekomenda at sila'y mga tauhang may mahalagang impluwensiya sa iba't ibang larangan at saray ng lipunan.
Tulad ni Madam Yan huiying, si propesor Cai jiming ng Unibersidad ng Qinghua ay ang kagawad rin ng Ika-11 CPPCC at tuloy-tuloy na 3 ulit siyang nanunungkulan bilang kagawad ng CPPCC. Nang mabanggit ang sariling karanasan sa pakikisangkot sa mga suliraning pang-estado nitong ilang taong nakalipas, sinabi niyang nitong 10 taong nakalipas pagkaraang manungkulan ako bilang kagawad ng CPPCC, ipinalalagay kong lumalaki ang papel ng mga kagawad ng CPPCC sa pakikilahok sa mga suliraning pang-estado at sa pamumuhay na pulitikal ng bansa. Isinumite ko ang mahigit 60 mosyon. Ang karamihan nito'y umani ng masiglang reaksyon sa lipunan at binigyan ng mga departamentong pampamahalaan at mga namamahalang tauhan ang mga may kinalamang mungkahi ng instruksyon.
Ang paghain ng mosyon ay nagsisilbi isang pangunahing paraan sa pagtupad ng mga kagawad ng CPPCC ng kani-kanilang tungkulin. Nang mabanggit ang kalagayan sa mga mosyong isinumite ng mga kagawad ng Ika-10 CPPCC nitong 5 taong nakalipas, sinabi ni Zhang jingan, namamahalang tauhan ng burong pang-impormasyon ng CPPCC na mahigit 23000 mosyon na natanggap ng Ika-10 CPPCC ay may kinalaman hindi lamang sa konstruksyon ng bansa, kundi rin sa mga isyung may mahigpit na kinalaman sa kapakanan at karapatan ng mga mamamayan na pinag-uukulan ng pansin. Gumaganap ang mga ito ng mahalagang papel sa pambansang konstruksyon sa iba't ibang aspekto.
Sa susunod na Lunes, bubuksan ang unang pulong ng Ika-11 CPPCC. Dadalo sa pulong ang mga kagawad ng CPPCC sa pagdala ng kani-kanilang mosyon para maisakatuparan ang hangarin nilang magbigay-ambag sa konstruksyon ng estado.
|