• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-03 20:34:00    
Si Gao Wenbin at Flower-Drum Opera

CRI
ang Flower-Drum Opera ay isang uri ng lokal na opera ng Tsina at malalim na kinagigiliwan ng mga mamamayang lokal. Si Gao Wenbin ay isang manunugtog ng Flower-Drum Opera.

Maganda ang himig nito at madaling maintintihan ang lirik nito. Popular na popular ito sa mga mamamayang lokal. Si Gao Wenbin ay isang manunugtog ng tropa ng Flower-Drum Opera ng bayang You ng lalawigang Hunan, mahigit 40 taong gulang siya at nagtatrabaho siya sa tropang ito sapul noong 1985. Nang mabanggit ang kaniyang ugnayan sa naturang opera, sinabi niya na

"Nang 12 taong gulang pa ako,mahilig na ako sa operang ito. Ang mga magulang ko ay mga apisyunado sa opera."

Nang magtapos siya ng mataas na paaralan, nagi siya isang deboteng apisyunado sa Flower-Drum Opera. Nang 16 taong gulang pa siya, namasukan na siya sa isang propesyonal na tropa at nagsimulang mag-aral ng naturang opera, at pagkaraan ng dalawang taon, sumanib siya sa tropa ng Flower-Drum Opera ng bayang You ng lalawigang Hunan, at naging isang propesyonal na manunugtog. At mula noon, nagpasimula na siya ng kaniyang korera bilang isang manunugtog ng operang ito.

Noong katapusan ng nakaraang siglo, nakararaming taganayon ang dumaragsa sa lunsod para sa paghahanap-buhay at bunga nito'y naging matumal ang pamilihang palabas. sinabi ni Gao na

"Noong panahon iyon, matamlay ang buong pamilihan ng opera. Mula noong 1997 hanggang 2003, nakaranas kami ng pinakamahirap na panahon. Halos lahat ng mga miyembro ng tropa ang nawalan ng loob, dahil hindi nakita nila ano ang hihintayin sila sa hinaharap."

Upang panatilihin ang pamumuhay ng kanyang pamilya, ang kanyang lahat ng malayang oras ay ginugol niya sa ibang gawain para dagdagan ang kita. Kahit gaanong kahirap ng pamumuhay, ayaw pa rin niyang itakwil ang kanyang propesyon bilang isang manunugtog.

Nitong ilang taong nakalipas, kasunod ng pagpapalaki ng Tsina ng laang-gugulin sa agrikultura, ang kabuhayan ng mga nayon ng lalawigang Hunan ay nakakita ng malaking pag-unlad. Kasunod nito, tumaas nang malaki ang label ng pamumuhay ng mga mamamayan doon. At tumaas rin ang kahilingan nila sa mga libreng aktibidad.