• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-03 20:50:10    
Pebrero ika-25 hanggang Marso ika-2

CRI
Idaraos mula ngayong araw hanggang bukas sa Chongqing, lunsod sa dakong timog kanluran ng Tsina, ang ika-9 na pulong ng Magkasanib na Komiteng Pangkooperasyon ng Tsina at ASEAN o CAJCC. Dadalo sa pulong na ito ang mga opisyal ng mga ministring panlabas ng Tsina at 10 bansang ASEAN at sekretaryat ng ASEAN. Ang nabanggit na komite na binuo noong 1997 ay mahalagang mekanismo ng pagkokoordinahan ng pagtutulungan ng Tsina at ASEAN. Tatalakayin sa kasalukuyang pulong, pangunahin na, ang hinggil sa pagpapahigpit ng pragmatikong kooperasyon, pagpapatupad ng mga susunod na aksyon pagkaraan ng Summit ng Tsina at ASEAN noong isang taon at pagpapasulong ng komprehensibong pagtutulungan ng dalawang panig.

       

Ipinatalastas noong Huwebes sa Beijing ni Ma Biao, tagapangulo ng Rehiyong Awtomono ng Guangxi ng Tsina, na naprobahan na ng Konseho ng Estado ang "plano ng Guangxi hinggil sa pagpapaunlad ng sonang pangkabuhayan ng Beibu Bay" at sa gayo'y pumasok ito sa yugto ng pormal na pagsasagawa. Ayon sa plano, magsisikap ang Tsina para ang naturang sona ay maging base ng lohistika, komersyo, kalakalan, pagpoproseso at pagyari at sentro ng pagpapalitan ng impormasyon ng pagbubukas at pagtutulungan ng Tsina at ASEAN at isang mahalagang sona ng rehiyonal na kooperasyong pangkabuhayan sa daigdig.

Sa kaniyang pakikipagtagpo noong Lunes sa Beijing kay Keo Puth Rasmey, tagapangulo ng Funcinpec Party at pangalawang PM ng Cambodia, ipinahayag ni He Guoqiang, pirmihang kagawad ng pulitburo ng komite sentral ng Partido Komunista ng Tsina o CPC na nakahanda ang panig Tsino na palakasin ang pagtutulungan ng dalawang partido at walang humpay na magkasamang pasulungin ang relasyon ng dalawang bansa. Sinabi ni He na nitong 50 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Kambodya, nakaranas sila ng pagsubok ng pagbabago ng kalagayan ng daigdig at nagsagawa ng epektibo at mabungang pagtutulungan sa iba't ibang larangan. Anya, umaasa ang CPC na palalakasin ang pagtutulungan nila ng Funcinpec Party sa aspekto ng pagdadalawan sa mataas na antas, pagpapalitan ng karanasan hinggil sa pangangasiwa at pamamahala sa bansa, pagpapalagayan ng mga kabataan at iba pa. Ipinahayag naman ni Rasmey na may tradisyonal na relasyong pangkaibigan ang kaniyang partido at bansa sa CPC at pamahalaang Tsino, buong tatag silang nananangan sa prinsipyong isang Tsina at palalakasin ang pangkaibigang pakikipagtulungan sa CPC.

Sa preskong idinaos noong Martes sa Beijing, ipinahayag ni Liu Jianchao, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang isinasagawang pangkaibigang patakaran ng Tsina hinggil sa isyu ng Myanmar ay nakakabuti sa pag-unlad ng Myanmar. Winika ito ni Liu sa kanyang pagsagot sa may kinalamang tanong.